Valentine's Gift

13.7K 402 44
                                    

Lagi akong tinantanong sa mga interview kung ano ang pinakanagustuhan ko kay Kathryn.

Unang una, hindi naman bago kung gaano siya kaganda. Wala siyang araw o oras na hindi. Bawat tingin ko sa kanya, mas lalo siyang gumaganda. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa yon. She's even more beautiful when she's not wearing any make up. Yung tipong kagigising lang niya. Yung magulo pa ang buhok tapos nasa tabi ko suot suot ang malaking T-shirt ko.
.
.
.
Ilang araw na rin kameng hindi nagkikita. Lagi kameng nag paplano na lalabas at makapag spend time na magkasama since wala pa kameng schedule ng shooting with Direk Mae. Kaya lang laging naca-cancel. Kung hindi kame nagkakaroon ng kanya kanyang biglaang trabaho, naagaw naman kame ng kanya kanyang barkada.

Hindi naman kame basta makatanggi dahil kaunting oras nga lang naman ang nabibigay namin sa mga kaibigan namin dahil masyadong hectic ang schedule namin parehas.

Sabi ko, kailangan na lang namin bumawi sa isa't isa bago pa kame bumalik ng trabaho. Sakto ang Valentine's Day. Magandang excuse para magkaroon kame ng quality time ni Kathryn.

Dahil alam kong puno lahat ng restaurant pag sapit ng Valentines Day naisip kong maghanda na lang ng isang dinner date para sa amin dalawa sa bago kong bahay.

I had everything planned. Gaya nung unang surprise ko sa kanya...rose petals, candle lights and instead sa cornedbeef na handa ko noon magluluto ako ng steak this time. Everything will be perfect for the two of us. Na miss ko na rin ang mahal ko.

Excited na excited ako na matapos ang trabaho ko ng maaga para makauwi na rin to spend time with her. Pagkatapos ng kanta nagmadali na akong umuwi para sunduin siya sa kanila.

Nakarating kame sa bahay at ang buong akala niya magluluto pa lang kame so when I opened the door and the lights bumungad kay Kathryn ang mga petals na nagkalat sa buong bahay.

"Halaaaaaa..." sabi pa ni Kath. Tinakpan niya ang kanyang bibig and she was giving me that look. Alam kong nasurprise ko siya. Syempre ngiting panalo din ako. I love surprising Kathryn. I simply love to do things for her. Pag alam kong napapasaya ko siya, masaya na rin ako.

"What's this? Akala ko ba magluluto pa tayo?" tinanong niya ako.

"Syempre this is my Valentine's surprise for you Love..." sabay akap mula sa likod. Hinalikan ko ang gilid ng noo niya ng lumingon siya sandali.

Sabay na tumugtog ang "Can't Help Falling Inlove" na sinet ko sa speaker. The mood became romantic kaya mas hinigpitan ko ang hawak sa kanya.

"Awww....Thanks Love. You're so sweet." ngiti niya. Her eyes looked around. May ngiti ang bawat sulok ng mata niya. She is truly happy.

"May gift din ako sayo." sabi pa niya.

"Kahit wala na Kath. Alam mo naman yung gusto ko." sabay taas baba ng kilay ko sa kanya. Nakangisi rin ako kaya alam kong alam niya ang ibig kong sabihin.

"Loooove. Not yet. After La Luna pwede na, okay?" nag pout pa siya. Natawa ako. I think masyado na akong makulit sa request ko na yun.

"Promise na yan ha? Kahit ayaw pa ni Tita Min?" pabiro kong tanong sa kanya na siyang tango naman ni Kathryn sa akin.

Kathryn knows what gift would make me the happiest. Hindi material na bagay. Gusto ko ng mga little Kathryns at little Daniels. Kahit pabiro ko yun sinasabi sa kanya alam naman ni Kathryn na yun talaga ang gusto ko na.

Kumain kame, sinayaw ko siya, nag usap ng kung ano anong nakakatawa at masaya. As usual marami na naman kameng video at pictures si Kath na masaya namin pinapanood pagkatapos. Ganito kame. Simple pero masaya.

The 525 Files. Where stories live. Discover now