46 Wala kang puso! Wala kang awa! Isa kang demonyo

5.6K 184 26
                                    


46

Wala kang puso! Wala kang awa! Isa kang demonyo

KAEL'S POV

Nakalabas na ng hospital si Rae at nakauwi na rin sya. Okay na naman sya maliban sa hindi nya pa alam kung ano ang katotohanan.

"Where's everyone?" tanong nya pagpasok sa loob. "Aren't they supposed to have welcome back party for me?"

"Baka busy lang sila. Alam mo naman kung gano kahigpit ang competition sa market ngayon dahil sa ibang brands." Sabi ko sa kanya para pagaanin ang pakiramdam nya.

"I know but still I am their daughter!" Umupo sya sa sofa. "I didn't expect this."

"WELCOME HOME SWEETHEART!!!" nagulat kami sa sumigaw at napatingin kay tito Brancy na may dalang cake.

"Oh my gosh!!!" Mabilis namang tumayo si Rae at tumuntong na sa sofa tsaka tumalon para salubungin ang uncle nya. "Tito!! Akala ko wala nang nakaalala sa'kin!" Niyakap nya ang uncle nya.

"Ikaw pa ba ang makakalimutan ko. Alam mo makalimutan ko na lahat pero ikaw, napakaimposible!!" At yumakap din sya sa pamangkin. "Isa pa, wag kang tatalon ng ganun. Alam mong kakagaling mo lang sa sakit."

"I'm 100% okay na daw sabi ng doctor." Tinikman nya ang cake. "Wow, my favorite flavour!! Sobrang thank you talaga tito."

"Kainin na natin 'to." Pagyaya ni tito Brancy at nagpunta kami sa dining room.

Mukhang hindi nya pa alam ang totoo kaya siguro ganito pa nya kausapin si Rae. Wala rin kasi sya sa ospital nung nagpaDNA test sila.

"Tito, nasaan sila mom?" tanong nito habang kumakain kami. Pinagmamasdan ko lang silang dalawa. Noon pa man silang dalawa na ang close na close.

"I don't know what happened pero nagmamadali silang bumalik ng Europe. Yung company daw natin dun kailangan sila." Sagot nito.

"Hindi ba pwedeng hintayin muna nila ang paglabas ko?" Naawa din ako kay Rae dahil wala pa rin syang idea. Yung mga pangmamata nya sa iba, yung pagmamayabang nya, hindi naman pala sya tunay na MacLaren. "Si grandma, nasaan?"

"Si ma, nasa company. Inaayos na ang pamana sa'yo." Hinawakan nya ang kamay ng pamangkin. "Ikaw na ang magiging tapagmana ng lahat."

"Alam mo tito masyado ko talagang naiisip na it's too early para dyan, pero excited na rin ako at the same time. Wala namang ibang pagmamanahan si grandma kundi ako lang." Confident nitong sabi.

"O Kael, bakit parang wala kang ganang kumain?" tanong ni tito at bigla akong natigil sa pagiisip.

"Hindi lang po kasi ako makapaniwalang mabilis gagaling si Rae – I mean, sobrang tapang nya po." Naiilang kong tanong tsaka ako kumain.

"Syempre naman, mana kaya sa'kin yang pamangkin kong yan." Pagbibiro nya.

"Opo naman tito. Lahat naman nakuha ko sa inyo." Tumatawang sabi ni Rae.

"Baka po ganun talaga kapag magtatay." Napatigil silang dalawa sa sinabi ko. "Ang ibig ko pong sabihin para na kasi kayong magtatay hindi po ba? Mas close po kasi kayo ni Rae kaysa kay tito Forsh." Paliwanag ko at ipinagpatuloy ko na ang pagkain.

"Paano ba naman kasi busy lagi ang kapatid ko na yun sa maraming bagay, kaya ako ang naiiwan madalas sa pamangkin ko." At nakatitig lang sya kay Rae.

"Kaya mahal na mahal ko yan si tito eh." Kita ko naman na masaya si Rae sa mga sinasabi nya tungkol kay tito Brancy.

"Pagkakain natin aalis pala ako. Meron kasi akong importanteng pupuntahan." Biglang naging balisa si tito matapos tingnan ang cellphone nya.

"Saan ka pupunta? Kadarating ko lang aalis ka na kaagad? Grabe naman, magtatampo na ako nyan. Palagi ka na lang biglang nawawala." Nalungkot si Rae.

tRICky DestinyWhere stories live. Discover now