2 Ang hirap kasi sa tao, susuot-suot ng fit, sa bilbil naman kumakapit

18.5K 424 47
                                    

2

 

Ang hirap kasi sa tao, susuot-suot ng fit, sa bilbil naman kumakapit

 

 

 

RIC’S POV

 

 

Nagmamadali na akong makaalis. Nagsasara na ako ng shop ngayon. “O Ric, bakit nandito ka pa?” Tanong ni Mang Nesto sa’kin.

“Isasara ko pa po kasi ‘tong shop. Tsaka may tambak pa po dun sa tapat. Hindi po nila inayos.” Naiinis kong sagot sa kanya.

“Hala sige, umalis ka na at ako na ang bahala dyan. Ang aga mo na ngang pumasok kanina, sige na’t baka mahuli ka pa.” Inagaw ni Mang Nesto ang mop sa’kin. Biglang may bumusinang kotse sa labas. “O ayan na si Feiffer, sige na.”

“Naku salamat po. Pasensya na din po hindi ko kayo matutulungan ha.” Kinuha ko ang gamit ko at nagmadali akong lumabas.

“Sabi ko na nga ba nandito ka pa eh.” Bungad ni Feiffer sa’kin.

“Paano mo naman nalaman?” tanong ko.

“Kasi ikaw lang naman ang mahilig mag-OT!” sagot nya sa’kin. “Sumakay ka na, ihahatid na kita sa Tregoe. Nakita ko na sila Hynddie na papunta dun. Itinanong ka nga nya sa’kin.”

Sumakay ako sa kotse nya. “Bilisan mo na lang magdrive. Baka matanggal ako sa banda kapag di ako nakarating. May warning na pa mandin ako sa kanila.” Hinubad ko ang tshirt ko.

“Oy oy anong ginagawa mo?!!!” pagpigil ni Feiffer sa’kin.

“Nagbibihis!! Bulag ka ba?!!” may sando naman ako sa loob. Nagpalit lang ako ng tshirt. May color coding kasi kami kada-araw kaya kailangan kong magpalit.

“Naman! Sana nagbibigay ka ng warning no!!” Nakita kong nakatingin sa kabilang bintana si Feiffer kaya naman binatukan ko sya.

“Ang arte mo!! Hindi naman ako nakahubad no!! Magdrive ka na nga!!” Nagseatbelt ako at umalis na kami.

Mabuti na lang at hindi traffic at mabilis kaming dumating sa Tregoe Bar and Restaurant. Dito kami natugtog ng banda ko.  Pagka-out sa Sotelo, dito ako dumidiretso. Mga ilang tugtog lang naman kami tapos uwian na.

“Nandito na tayo – ” hindi ko na sya pinatapos magsalita at bumaba na ako kaagad.

tRICky DestinyWhere stories live. Discover now