4 Buti pa ang maitim na budhi hindi mo agad nakikita, pero ang maitim na -

11.9K 348 27
                                    

4

 

Buti pa ang maitim na budhi hindi mo agad nakikita, pero ang maitim na kili-kili nilalantad pa - sakit sa mata

 

 

RIC’S POV

 

 

Maaga akong nagout sa Sotelo. Naisip ko kasing bilhan muna ng sapatos si tatay bago pumasok sa Tregoe. Kasi siguradong pagtapos naming tumugtog dun eh sarado na ang mga tindahan.

Gusto ko kasing sorpresahin si tatay. Balak ko kasing bilhan sya ng sapatos na medyo mahal. May nakita kasi ako sa mall nung nakaraan. Sabi nung saleslady dun may bawas pa daw ng kalahati. Sakto pa naman ang pera ko.

Ang totoo nga nyan binibigay na ni Feiffer yung isang sapatos nya kay tatay kaya lang masyadong malaki. Malaking tao kasi si Feiffer. Ang mga sapatos na pinagliitan na nya ang binibigay sa’kin. Ang totoo nga hindi pinagliitan, hindi naman kasi nya nagagamit.

Excited na talaga akong bilhin yung sapatos na yun kaya nanakbo na ako sa department store. Swerte ko na lang at iisa na lang sya. Yung iba kasi hindi na sya sale.

“800 pesos po, sir.” Sabi ng cashier at iniabot ko naman ang eksakto kong bayad.

Halos said ang wallet ko. Ang natira na lang ay ang pangbaon ko araw-araw. Sa wakas ito na ang sapatos ni tatay. Ano kayang masasabi nya?

Habang naglalakad ako papalabas ng mall inilalagay ko ang sapatos sa loob ng bag ko ng biglang nawala –  “Magnanakaw!!!” sigaw ko sabay takbo ng mabilis. Nakita ko yung lalaki na nakalampas na ng guard at nakalabas na. “Magnanakaw yun – ” at nabangga ko pa ang isang lalaking lumabas sa isang shop at natumba ako sa sahig.

“Bulag ka ba?!!!!” sigaw ng lalaki sa’kin pero di ko sya pinansin.

Mabilis akong tumakbo at hinabol ang lalaking kumuha sa bag ko. Naiiyak ako habang tumatakbo. Para kay tatay yun. Pinaghirapan kong kitain ang pera na yun tapos kukunin lang ng ganun. Nagkamali ata ang magnanakaw na yun. Sa dinadami naman ng mayayaman dito sa mall, bakit isang mahirap na katulad ko pa ang nanakawan.

Hindi ko makita yung snatcher kahit saan. Papatakbo na ako ng biglang may humigit sa’kin. “Hindi ka ba talaga marunong magsorry?”

Nagulat ako ng makita kong si Mr. Antipatiko pala ang nabangga ko. “Kasalanan mo ‘to!!! Bakit ako magsosorry eh ikaw nga ‘tong bigla-biglang sumusulpot!!” nilampasan ko sya pero humarang sya sa daanan ko.

“Magsorry ka!!” sigaw nya sa’kin.

tRICky DestinyWhere stories live. Discover now