3 Ang tunay na lalaki - magaling maglaba -

17.9K 385 41
                                    

3

 

Ang tunay na lalaki – magaling maglaba –

 

RIC’S POV

 

 

 

“O anak bakit nandito ka pa? Hindi ka ba male-late sa trabaho?” tanong ni tatay. Isang karpintero si tatay. Kapag may mga nagpapagawa kinukuha sya lalo na kapag mga nagpapagawa ng bahay. Yun nga lang hindi permanente ang trabaho nya. Kapag walang nagpapagawa, wala din syang kinikita.

“Day off ko po ngayon, tay. Sumweldo na din naman po ako kahapon.” Naghilamos ako ang nagsipilyo. “Nasan po ang nanay?” tanong ko habang nagpupunas ng mukha.

“Nandun sa palengke, namimili ng paninda. Mahina ang kita kahapon dahil sa lakas ng ulan. Mabuti nga’t mainit ang panahon ngayon.” Nag-aayos si tatay ng mga gamit nya paggagawa.

“Sasalubungin ko na lang po si nanay, baka maraming dala yun.” Napatingin ako sa sapatos ni tatay. “Naku tay, paano naman kayo makakapagtrabaho ng ayos kung ganyan ang sapatos nyo?” Lumapit ako kay tatay at yumakap. “Di bale po ibibili ko po kayo ng sapatos.”

Humarap si tatay sa’kin at hinawakan ako sa kamay. “Anak, yang sarili mo ang ibili mo ng gamit.”

“Binibigyan naman ako ni Feiffer ng mga gamit, tay. Ayos na po yun.” Isinuot ko ang sombrero ni tatay. “Kumain na po kayo? Nakita nyo ba yung itlog na dala ko kagabi?”

“Oo anak, kumain na ako. Hala sige, ako’y aalis na. Salubungin mo na ang nanay mo at baka may dalahin yun.” Yumakap si tatay sa’kin tsaka lumabas ng bahay.

“Ingat ka po tatay!!” sabi ko habang kumakaway.

Nagsuklay lang ako at tumingin sa salamin tsaka ako lumabas para salubungin si nanay. Malapit lang naman ang palengke dito sa’min.

Papalapit na ako sa may kanto ng makita ko si nanay. “Wala nga akong pera dito bakit ba ang kukulit nyo. Kung nagbabayad kayo ng utang eh di nakakapamili ako ng ayos!!” narinig kong sabi ni nanay sa mga nag-iinuman sa kanto.

Nagmadali akong tumakbo papalapit sa kanya. “Nay, anong nangyayari dito?”

“Ito naman pala si Ric eh. Ric, bigyan mo nga kami ng panginom. Ubos na kasi oh.” Ipinakita ni Bruno sa’kin ang bote ng alak na wala ng laman.

Humarang ako sa harapan ni nanay. Itinapak ko ang paa ko sa mesa nila. “Hoy kayo ha, tigil-tigilan nyo ang pangongotong sa mga tao dito. Pare-pareho lang tayong mahihirap!! Naturingang ang lalaki ng mga katawan nyo hindi nyo naman ginagamit!! Subukan nyo kayang banatin yan!!” tiningnan ko sila isa-isa tsaka tumalikod. “Tara na nga nanay.”

tRICky DestinyWhere stories live. Discover now