50Tapos na ang lahat

4.6K 145 8
                                    

50

Tapos na ang lahat

RIC'S POV

Napabalikwas ako nang makarinig ako ng mga putok ng baril. Hindi ako mapakali. Baka napahamak na sila Captain dahil lang gusto nila akong iligtas. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may hindi magandang nangyari sa kanila. Pero tulad ng ipinangako ko sa kanila hindi ako umalis sa pinagtataguan ko. Alam kong hindi din naman nila ako mahahanap dito. Nakahiga lang ako ng maisip kong gumapang sa kisame baka sakaling malaman ko kung okay lang ba sila Feiffer.

Dahan-dahan akong gumapang at nakita kong may ilang sira na rin ang kisame kaya't nakikita ko ang mga nasa ibaba. Napadpad din ako sa kisame kung saan ako kinulong ni sir Brancy. Pero malayo na ang nararating ko hindi ko pa rin sila nakikita.

"Sigurado ba kayong nahalughog nyo na ang lahat ng sulok dito?" Bumilis ang tibok ng puso ko sa takot nang marinig ko ang boses ni sir Brancy. "Imposibleng makatakas sya. Nandito lang yun. Ang tanong nalang ay kung saan sya nagtatago!!" Mas nagulat ako ng makarinig ako ng malalakas na kalabog. "Narinig mo yun Ric!! Ha?!! Kung nasaan ka man mabuti pang lumabas ka na!! Dahil papatayin ko ang mga kaibigan mo kapag hindi ka lumabas!!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Alam kong hindi sya nagbibiro at totohanin nya ang sinabi nya dahil isa syang masamang tao.

Sinundan ko kung saan papunta ang mga yabag nila habang nasa kisame ako. Gumapang lang ako ng gumapang hanggang sa nakarinig ako ng bumukas na pintuan. Mabilis akong dumungaw sa butas at nakita ko sila Feiffer at captain na duguan. Halos mabasag ang puso ko sa nakikita ko.

Hiwakan nya sa leeg si Feiffer. "Ikaw na lang ang uunahin kong patayin tutal wala ka naman masyadong halaga kay Ric hindi tulad ni Kael." Hinawakan nya sa leeg si Feiffer. Nanlalaban sya pero halatang wala na syang lakas. "Si Kael kasi nakalandian pa ni Ric at naging karibal ng anak ko. Pero wag kang mag-alala, mas pahihirapan ko sya dahil sinaktan nya ang anak ko."

Hindi pwede ito. Hindi pwedeng mamatay si Feiffer. Si Feiffer na hindi ako iniwan kahit minsan. Si Feiffer na nagpasaya sa'kin buong buhay ko. Si Feiffer na naging tapagtanggol ko. Hindi pwedeng mawala si Feiffer.

Humanap ako ng paraan para makababa pero napansin ako ni Feiffer at sumenyas sya na wag akong tumuloy. "Wag!!" Sabi ni Feiffer pero hindi sya sa'kin nakatingin. "Wag mong ituloy!!" Dahan-dahan akong bumalik at nagtago. Alam kong ako ang kinakausap nya. "Baka pwede pa natin 'tong mapagusapan." Sumilip ulit ako sa bababa at nakita kong nakatingin na rin si captain kaya bago pa ako makita ni sir Brancy ay nagtago na ako ulit.

"Kung ilalabas mo si Ric, matatapos na 'tong kaguluhan na 'to." Biglang tumahimik sandali ang paligid. "O baka naman kailangan ko pa 'tong gawin para lumabas sya!"

*BANG

"HUWAG!!!!" Napasigaw ako.

"Ric?!! Mukhang nasa malapit ka lang. Hindi mo naman siguro gugustuhing mamatay ang kaibigan ko hindi ba? Lumabas ka na dito. Sinisigurado ko sa'yong hindi sila mapapahamak." Hindi ako makagalaw. "Bibilang ako ng tatlo."

"Ric wag kang lalabas!!" Narinig kong sigaw ni Feiffer.

"Isa!" pagsisimula nyang magbilang. "Dalawa!"

"Ric wag!!" sigaw ni captain.

"Sorry pero hindi ko kayang masaktan kayo ng dahil sa'kin." Sagot ko sa kanila tsaka ako lumabas. "Nandito ako." At tumingin silang lahat.

"Sa kisame? Napatalino nyo para dyan ka makapagtago! Sige, kunin nyo sya sa itaas at dalhin dito!!" utos nya sa mga tauhan nya.

"Huwag nyo syang hawakan!!!" sigaw ni captain pero sinipa sya ni sir Brancy sa mukha.

tRICky DestinyWhere stories live. Discover now