SPECIAL CHAPTER PART 1 In life we can always have a choice

5.6K 170 12
                                    

SPECIAL CHAPTER PART 1

In life we can always have a choice

RIC'S POV

"Yes mom, I know I promised to be home this year but I couldn't. I so miss our home and my families but I can't leave the company like this. Marami kasing gustong magfranchise and we have new clients." Last year sinabi ko rin sa parents ko na uuwi ako sa susunod na taon. But unfortunately, ito na ang pang apat na taon ko dito sa Europe. "I will try to be home on your birthday okay? And mom, I hate to break our conversation but I gotta get back to work. Take care. Bye." At ibinaba ko na ang phone ko.

Noong una sobrang na-home sick talaga ako. Ang hirap kapag nasanay ka na kasama mo ang family mo tapos bigla kang mapapahiwalay sa kanila. Sobrang hirap talaga. Pero kapag naalala ko yung sakit ng pagiwan ni Feiffer sa'kin mas nagkakaron ako ng reason para magstay dito. Pero nung malaman ko na may girlfriend na sya parang ayoko ng umuwi. Hindi man lang nya naisip sabihan ako o kontakin ako. Parang itinapon na lang nya yung pinagsamahan namin ng ilang taon. Wala syang kwenta. Hindi ko sya mapapatawad.

Marami rin namang nanliligaw sa'kin dito. May mga lahi pa kaya lang hindi ko talaga sila type. Meron akong naging boyfriend kaso first date namin aba gusto agad ng s*x. Duh! As if naman ibibigay ko sa kanya. Hindi na nakakapagtaka dito kasi kahit saan ka lumingon merong naghahalikan. Parang natural lang sa kanila. Kaya pala kapag in a relationship ka normal to make love.

Nagkaroon na rin naman ako ng mga kaibigan dito. Yun nga lang hindi rin ako masyadong nakakalabas dahil nga marami akong ginagawa.

Two years ako dapat uuwi na ako pero ang magaling kong nanay sinabi sa'kin na ikakasal na raw si Feiffer. Parang gusto ko ng mamatay nun. Siraulo ba sya? Sobrang bata pa nya para mag-asawa. Tsaka duh, hindi ba pwedeng sya mismo ang magsabi sa'kin hayop sya! Wala syang mukhang maiharap sa'kin kasi makapal ang mukha nya.

"Hey, Ric! Are you alright?" tanong ng kaibigan kong si Leona. Same nationality kami at nagOJT lang sya dito dati pero kinuha ko na rin sya kasi may talent naman.

"I'm fine. Do you want to have lunch or anything?" I offered her. "Kahit sandali lang. Dun na natin pagusapan yung next clients natin."

"Hmmmmm alright. You're the boss." Ngumiti sya at tinulungan nya akong magdala ng papers.

Nasa VIP room kami to discuss important matters. Pero ang totoo gusto ko lang magunwind. "Ano bang theme ang gusto nitong new clients natin na ipresent sa show? Kasi I've done several designs in years at lahat yun nagte-trend." Iniisa-isa ko ang mga designs na ginawa ko.

"Just be yourself naman daw. Anything that will represent your personality will do. Yung kapag isinuot they'll see you as you." Iniimagine nya pa and act yung design tsaka sya naglakad lakad kunyari. "By that daw mabubuo yung trust and relationship and we can build a great bond. How exciting."

"Trust? Bond? Relationship? Kahit gaano pa katagal ang pagsamahan kung aalis at tatalikuran din tayo useless lang lahat ng effort." Sagot ko sa kanya habang chinecheck ang profile ng client.

"Not really. Kung aalagaan naman natin yung meron tayo with them we can have a deeper relationship for long years." Sagot naman nya sa'kin habang kumakain.

"Long years? Tingin mo ba tatagal yan? They will leave and abandon us kapag nakuha na nila ang gusto nila as if nothing happens. Yan yung mga taong paniniwalain kang nabibigay mo ang gusto nila, na napapasaya mo sila, na inaalagaan yung kung anong meron kayo but in the end – " I tapped the table enough for a loud sound, " – maghahanap pa rin yan ng bago, ng fresh, ng in, ng gusto ng lahat then they will leave you as if you didn't know each other."

tRICky DestinyWhere stories live. Discover now