SPECIAL CHAPTER PART 2Something is missing

5K 149 3
                                    

SPECIAL CHAPTER PART 2

Something is missing

RIC'S POV

"Uy Ric may flower shop ka na naman dun sa office mo." Bungad ni Leona sa'kin.

"Again? May name na ba this time kung kanino galing?" tanong ko sa kanya na medyo excited makita ang flower shop na sinasabi nya. Paano ba naman kasi parang ilang months na simula ng may magpadala sa'kin ng mga flowers as in kapag nakita nyo wala ng space ang office ko dahil puro bulaklak nya.

"Girl, baka naman may ari ng flower shop yang admirer mo kaya bongga magpadala ng flowers." Pang-aasar ni Leona.

"Sige na, kumuha ka na ng flowers. Alam ko namang yun ang gusto mo." Pagpasok ko palang sa office ko humahalimuyak na ang bango ng mga bulaklak.

"Aminin mo friend kinikilig ka." Pang-aasar ulit ni Leona tsaka sya pumili ng mga bulaklak na kukunin nya.

"Syempre naman. First time ko kayang magkaroon ng flower shop duh!" Inamoy ko ang isa sa mga bulaklak. "Effort lang talaga ha." Napatingin ako kay Leona. "Teka, baka naman charge 'to lahat sa'kin!" Tumawa ng malakas si Leona. "Duh, walang card so what if someone from here tries to impress me by buying flowers using my own money?" at hindi na natigil sa pagtawa si Leona.

"Ewan ko sa'yo girl. Praning ka na nga talaga. Malay mo naman mayaman lang talaga sya di ba?" Napaisip naman ako kung sino talaga ang nagpapadala nito sa'kin.

Ipinaayos ko ang mga flowers at ipinadistribute sa buong building. Halos parang araw-araw ibang flowers ang nakadisplay dito. Nakakatipid kami. Kahit busy ako at pagod sa work napapangiti lang ako kapag nakikita ko ang flowers sa table ko. Pero sino naman kaya talaga ang magpapadala nito sa isang katulad ko?

Busy ako maghapon at sobrang sakit ng katawan ko kakalakad papunta sa kung saan saan. Mas gusto ko kasing hands on kaysa iuutos ko pa yung kukunin ko. Para makita ko rin kaagad ang mga dapat ko pang gawin kaya lang nakakapagod talaga. Kaya siguro hindi rin ako tumataba kahit di ako maggym.

"Ma'am sorry to disturb but there are several packages again for you. Where do you want me to put them?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lilly. Pauwi na kasi ako biglang meron na namang kung ano.

"Oh my gosh friend!!!" Biglang lumitaw si Leona. "Sige na Lilly, ako na ang bahala. Thank you." At lumabas na si Lilly. "Friend nakita mo na ba yung boxes. Papaakyat na dito. Sabi ko dito na lang sa opisina mo."

"What? Leona, are you out of your mind? Paano kung bomba pala ang mga yun!!! Baka kalaban natin ang nagpapadala nyan tapos tanggap tayo ng tanggap eh yun pala terorista na ang may pakana nyan!!" Bothered kong sabi sa kanya. Nakakakaba din kasi. Okay lang yung flowers pero yung boxes?

"Ay, nandito na. Please put them on that table. Thank you." Sumunod naman ang mga lalaking may hawak ng boxes sa sinabi ni Leona tsaka sila nagpaalam. Hindi naman pala nakakatakot na boxes ang dala nila. Transparent 'to at kita kung anong laman sa loob.

"What are these?" tanong ko tsaka ko binuksan. "Perfume? Oh my gosh! Ito ba yung famous perfume in the world?" Tuwang tuwa kong tanong at hindi na magkamayaw sa pagtango si Leona. "And I have like several boxes?"

"You are so lucky! But I am luckier because I have a friend like you!" At binuksan nya isa-isa ang boxes tsaka inamoy ang mga pabango. "I so love them all." Tuwang tuwa nyang sabi. "Oh wait girl. Look there's an envelope." Napatigil ako at tumingin sa kanya. "It has your name written on it. Go on, read what's inside."

"Ayoko nga. Mamaya bomba pa yan." Ipinatong ko lang sa table ang envelope tsaka pumili ulit ng pabango.

"Hope you like the flowers. I'm sending you the rarest scents of the most elegant perfumes in the world which suits your sophistication. I don't have the courage to show myself to you yet but in few days I will. Until then, take care always. Love, P." At binasa pala ni Leona ang letter sa loob. Hindi talaga sya natakot or nagdalawang isip man lang. "OMG na talaga. P as in perfect one." Inamoy nya ang card. "Alam mo mukhang mayaman 'to kasi ang bango din nung card. Swerte mo girl. Basta kapag may kapatid or pinsan 'to ha ipakilala mo ako."

tRICky DestinyWhere stories live. Discover now