47Nagmana ka talaga sa'kin. Anak talaga kita.

4.9K 160 9
                                    


47

Nagmana ka talaga sa'kin. Anak talaga kita.

RAE'S POV

Inaamin ko naman na naging masama talaga ako. Masisisi nyo ba ako kung bakit ako naging ganito when all I want to be is the best daughter and granddaughter of this family? All my life I've been trying my best just to exceed their expectations. Para lang masatisfy ko sila at maipakita ko na kaya kong gawin ang mga gusto nilang ipagawa sa'kin. Yes, I admit na nagbayad ako ng bata noon para maipakita lang sa parents ko na I have the talent, na I can handle the company in the future. But no matter how hard I try parang kulang pa rin, hindi pa rin sapat para sa'kin lang mabaling ang lahat. Para maging malambing sa'kin si grandma, para maramdaman kong apo nya ako.

Kaya naman pala ganun na lang ang treatment nya sa'kin, hindi naman pala kami magkadugo. Ang sakit pa ring tanggapin na hindi ako parte ng pamilyang 'to dahil buong buhay ko wala akong ginawa kundi gawin ang lahat just to be part of this family dahil naramdaman kong I'm not even deserving to be here.

Kung naging mabuti kaya ako sa kanila, ganito pa rin kaya ang magiging treatment nila sa'kin kahit na malaman nilang hindi ako parte ng pamilya? I have so many regrets, pero kapag naiisip ko lahat ng paghihirap ko para lang maramdaman kong mahalaga ako sa kanila hindi ako nagsisisi na naging ganito ako. Kasalanan nila kung bakit ako naging masama. Kung bakit ako naging makasarili.

"Rae?" Mabilis kong pinahid ang mga luha ko ng dumating si Kael.

"Why are you still here? Paano ka nakapasok?" tanong ko sa kanya.

"I'm just checking on you before I leave. Iniwanan na rin nilang bukas 'tong pintuan mo dahil umalis si Donya Frieda." Lumapit sya sa'kin. "I'm sorry about everything."

"You shouldn't be sorry because I am not." Humarap ako sa kanya. "Di ba ayaw mo rin naman sa'kin? Lahat naman kayo ayaw sa'kin!!! Kaya sige, umalis na kayong lahat! Iwanan nyo na ako dahil sanay naman akong mag-isa!!" Galit kong sabi sa kanya.

"Nasasabi mo lang yan dahil galit ka. Wag kang magpakain sa galit mo Rae. Isipin mo ang mga ginawa ng mga magulang mo para sa'yo. Isipin mo rin naman ang magaganda nilang ginawa at sinakripisyo. Wag mong tingnan kung ano lang ang hindi nila nagawa. Maging patas ka naman sa kanila!!" Sagot nya sa'kin at napaisip ako. May point naman si Kael kaya lang mahirap talaga sa'king tanggapin ang lahat.

"Please umalis ka na. Ayoko munang makipag-usap kahit kanino. I want to be alone!" Itinulak ko sya palabas ng kwarto tsaka ko ito isinara.

"Don't do something stupid, Rae! Wag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo sa huli. Nandito lang ako if you need someone to talk to!" sabi nya sa kabila ng pinto.

"Just go!!!!" at bumalik ako sa kama ko.

If I know inaalam lang ng mga tao kung nagpakamatay na ba ako. Sorry na lang sila, hindi ko papatayin ang sarili ko para lang maging masaya sila. Kung magiging miserable ang buhay ko pwes sisiguraduhin kong sama-sama kami sa isang miserableng buhay!!

*TOK TOK

"I said I want to be alone!!!" malakas kong sabi at binato ko ang pintuan.

*TOK TOK

"Get lost!!!" sigaw ko tsaka dumapa at hindi napigilan ang pag-iyak.

"Rae? What's wrong?" napatigil ako at napabalikwas ng marinig si tito Brancy. Mabilis akong bumangon at yumakap sa kanya.

"Tito, ayoko na dito. Ayoko na ditong tumira." Umiiyak kong sabi.

"Ano bang sinasabi mo? Bakit ayaw mong tumira dito?" tanong nya sa'kin.

tRICky DestinyWhere stories live. Discover now