48Sandali lang. Iba yung kutob ko.

5.4K 181 23
                                    


48

Sandali lang. Iba yung kutob ko.

RAE'S POV

"I'll stall your parents para makapasok ka kaagad pabalik. Remember, we have to be very careful. Once ma-confirm ko na nakuha na natin lahat, we'll kill them all." Nagulat ako sa sinabi ni tito at natakot.

"But – but I thought si Ric lang?" Nanginginig kong tanong.

"Sweetheart, kapag namatay si Ric hindi nila tayo titigilan. Isa pa, malapit na rin mawala si mama dahil matagal ko na syang nilalason." Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. "Don't worry, I won't do anything to harm you. Ginagawa ko 'to para sa'ting dalawa. Para sa'yo, so kung gagawin mo lang lahat ng sinasabi ko magtatagumpay tayo. Can I trust you?" Tumingin sya sa'kin at hindi ako kaagad nakasagot. Pero alam kong kapag hindi ako sumangayon sa kanya pati ako ay mamamatay. Baliw sya, baliw na sya dahil sa sobrang greedy.

"Yeah, of course. This is a good revenge for me." Tipid akong ngumiti at inalis ang seatbelt. "I should go. Baka malaman pa nilang umalis ako at ikaw ang kasama ko." Ngumiti lang ako tsaka bumaba.

"Good night sweetheart." Paalam nya sa'kin at bumaba na rin sya.

Dahan-dahan naman akong bumalik sa kwarto ko at mabilis nagshower. Hindi ko napigilang umiyak sa takot. Oo galit nga ako sa pamilya ko dahil sa mga nangyari pero hindi naman aabot sa point na gusto ko silang mamatay.

Galit ako kay Ric, pero nung nakita ko kung paano sya saktan ni tito, hindi kaya ng konsensya ko. Sila mommy at papa, mabait sila sa'kin at mahal nila ako. Hindi ko kayang may mangyari sa kanilang masama. Si grandma, oo hindi nya ako apo at masama sya sa'kin pero masama naman sya sa lahat. Nature na nya talaga yun. Hindi sila pwedeng mamatay dahil sa'kin. Inagaw ko na nga ang pagkatao ng iba, ang pagkatao ni Ric, pati ba naman buhay nilang lahat kukuhanin ko pa.

*TOK TOK

"Anak, gusto mo bang kumain sa ibaba kasama namin? Nandito ang tito mo." Narinig kong sabi ni mommy at mas lalo akong napaiyak. "Anak, papasok na ako ha."

Mabilis naman akong nagbihis tsaka lumabas. "Wala po akong gana kumain."

"Anak, anong nangyari? Bakit namumula ang mga mata mo? Hindi ka pa rin ba tumigil sa pag-iyak?" Mabilis akong niyakap ni mommy at mas lalo akong napaiyak.

"Mom, I'm so sorry. Sorry kung naging masama akong anak sa inyo. Sorry po talaga." Napaupo na lang ako at umiyak ng umiyak.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Kakausapin ko ang mama para makalabas ka na dito." Papaalis sya pero pinigilan ko sya.

"No, mom. Please wag mong gawin yan. Mas gusto ko dito sa room. Ilock nyo ako dito please." Pagmamakaawa ko sa kanya. "Si grandma, I want to talk to grandma."

"Naku anak, mukhang hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo. Galit pa rin si mama at hindi pa rin namin sya makausap ng ayos." Sagot ni mommy sa'kin ng makarinig kami ng malakas na tunog.

"Ano yun?" Napatayo ako. "Nandito na ba si grandma?"

"Nandun sa kwarto nya. Hindi pa nalabas." Sagot ni mommy. Mabilis akong lumabas at pumunta sa kwarto nya. Nakita kong nasa sahig si grandma kaya naman pumasok ako kaagad.

"Grandma, ayos lang ba kayo?" tanong ko sa kanya pero itinulak nya ako. "Grandma naman, please wag ka ng magalit sa'kin." Inalalayan ko sya papunta sa higaan nya. "Grandma – I'm sorry sa lahat ha. Kung matigas ang ulo ko. Salamat at binigyan nyo ako ng magandang buhay."

"Hindi mo ako makukuha sa pagpapaawa mo." Sabi nya tsaka humiga. "Ang gusto ko ay ang apo ko. Alam ko namang lahat kayo ay kayamanan ko lang ang gusto."

tRICky DestinyWhere stories live. Discover now