49Kaya nyang saktan kahit sarili nyang anak. Paano pa kaya si Ric?

4.6K 157 1
                                    


49

Kaya nyang saktan kahit sarili nyang anak. Paano pa kaya si Ric?

RIC'S POV

Nanghihina na ako. Nanginginig ang buo kong katawan. Halos hindi na nga ako makatuon. Nahihirapan na ako. Nagpapakatatag lang ako na makakalabas pa ako dito ng buhay. Ang sakit ng buo kong katawan. Ang dami kong sugat at puno na ng dugo ang suot ko. Nakahiga na nga lang ako dito at nakatingin sa kawalan. Parang hindi ko na kaya.

Hindi ko napigilan ang mga luha ko. Naalala ko kasi ang pamilya ko. Si nay at tay pati mga kapatid ko. Siguradong nag-aalala na sila sa'kin. "Sorry po kung nagiging pabigat pa ako sa inyo. Lord, iligtas nyo na lang po ang family ko kahit wag na ako." Panalangin ko. Hindi ko alam kung aabutin pa ako ng bukas. Sobra na akong nanghihina.

Napapaidlip na ako nang marinig kong bumukas ang pintuan. Sigurado akong si sir Brancy na yan. Tatapusin na nya siguro ang paghihirap ko. Nahihilo na talaga ako at hindi ko na kayang magsalita kaya kung anuman ang gagawin nya sa'kin tatanggapin ko na lang.

"Ric! Ric gumising ka!" Isang pamilyar na boses ang tumatawag sa'kin. Naramdaman kong hinawakan ako kaya pinilit kong dumilat. "Ric ayos ka lang ba? Wag kang bibitaw."

"Fe – Feiffer?" Hinawakan ko ang mukha nya. "Nasa langit na ba ako?"

"Sira ka talaga. Wala ka pa sa langit. Nandito ka pa rin sa impyerno." Sagot nya sa'kin habang pinipilit akong itayo. "Kaya mo bang lumakad?"

"Bilisan natin! Rae is stalling everyone!" Nakita ko naman si captain na papalapit sa'min. "Ric, ililigtas ka namin." Kinuha nya ang isa kong kamay at inilagay sa balikat nya. Pinagtulungan nila akong dalawa para makalabas sa kwarto na yun.

"Hindi 'to panaginip. Totoo kayo. Nahanap nyo ako." Nanghihina kong sabi sa kanila. Halos kinakaladkad na lang nila ako dahil hindi ako makatapak agad-agad. "Paano nyo ako nahanap? Baka mapahamak din kayo! Masamang tao si sir Brancy." Pagwawarning ko sa kanila habang naglalakad kami sa hallway.

"Alam namin. Si Rae ang nagdala sa'min dito. Humingi sya ng tulong sa'min para iligtas ka." Sagot ni captain.

Hindi ako makapaniwala na gagawin talaga yun ni Rae. Hindi sumagi sa isip ko na tutulungan nya ako.

Malapit na kami sa labasan ng biglang tumunog ang alarm. "Ano yun?" tanong ni Feiffer. "Mukhang alam na nilang nawawala ka. We need to hurry."

Mabilis kaming naglakad pero nakakaramdam ako ng pagod. "Sa – sandali. Magpahinga muna tayo sandali. Hindi ko na kaya – " bigla akong pinasan ni Feiffer.

"Feiffer, dun sa itaas." Nakaturo si captain sa kisame. "Itago muna natin si Ric dun."

Naghanap sila ng matutungtungan tsaka sumilip sa butas sa kisame si captain. Umakyat sya sa itaas at iniabot naman ako ni Feiffer mula sa baba. "Ric, babalikan ka namin." Mahina nyang sabi.

Inihiga ako ni captain sa loob ng kisame at hinawakan ang kamay ko. "We're getting you outta here okay? Just hold on. Babalik kami. Wag kang bibitiw, please." Hindi ko man maaninag ang mukha nya, ramdam ko naman na seryoso sya.

"Hihintayin ko kayo." Mahina kong sagot at hinalikan nya ang kamay ko.

"Kael, bumaba ka na!" sabi ni Feiffer.

Tumalon si Kael muka sa itaas at inalis nila ang tuntungan na kinuha nila. Alam kong babalik sila pero kinakabahan ako. Baka mapahamak sila dahil sa'kin. Mas gugustuhin ko pang mamatay magisa kaysa may mamatay dahil sa'kin.

Feiffer, captain, magiingat kayo.

*******************************

FEIFFER'S POV

tRICky DestinyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora