51Hindi talaga natin alam kung kailan matatapos ang buhay

4.9K 158 8
                                    


51

Hindi talaga natin alam kung kailan matatapos ang buhay

KAEL'S POV

Nandito kami sa Memorial Chapel. Ang lahat ay nakaitim at nagluluksa. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Ang sakit tanggapin na may mga bagay na nagtatapos sa ganito. Dahan-dahan akong lumapit sa kanilang hantungan. Hindi ko alam kung handa na ba akong makita sya. Ilang araw akong hindi makapaniwala na wala na sya sa mundong ito. Hindi ko man lang nasabi ang mga gusto kong sabihin. Ang sakit sa pakiramdam na wala akong nagawa. Wala akong silbi, hindi ko man lang sya naipagtanggol.

Sa unahan ay nakatayo sina tito Forsh at tita Madsen na hindi tumitigil sa pag-iyak. Bumati ako sa kanila at humarap sila sa'kin. "Kael!!" Niyakap ako ni tita ng mahigpit. "Wala na sya. Hindi ko man lang nagawang sabihin ang mga gusto kong sabihin. Hindi man lang ako naging isang ina sa kanya. Hindi ko man lang nabigyan ng oras ang tulad nya noong buhay pa sya." Umiiyak na sabi ni tita.

"Maiintindihan naman po nya yun, tita. Mabait po syang bata at magkasama na naman po silang dalawa sa langit. Babantayan po nya tayong lahat mula sa itaas." Pagpapakalma ko sa kanya. Tinapik ako ni tito at umupo muna sila habang ako ay nakatayo sa harap ng kabaong nya.

Para lang syang natutulog. Ang amo ng mukha nya, parang ang bait nyang tingnan. Napatawa ako sandali sa pag-aalala kung anong klaseng tao sya nung nabubuhay pa sya. "Ang daya mo naman. Bakit nauna ka kaagad? Marami pa tayong dapat pag-usapan. Marami pa tayong plano di ba? Marami pa akong gustong gawin kasama ka." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa'yo." Hindi ko mapigilang hindi mapahagulgol. "Alam ko nasaktan kita at naging masama akong boyfriend sa'yo pero gusto ko lang malaman mo na naging masaya naman akong kasama ka. Kasi kung hindi ako naging masaya hindi ako masasaktan ng ganito." Ipinatong ko ang puting rosas sa ibabaw ng kabaong nya. "Sana – sana mapatawad mo pa ako." Pinahid ko ang mga luha ko tsaka tumalikod at umupo sa kabilang side. Nagpe-pray ako for her habang nakaupo nang makita ko si Feiffer na naglalakad papunta sa unahan na may dala ding bulaklak. Hindi ko na sya nilapitan at ipinagpatuloy ko ang pagdadasal.

"Okay ka na ba?" napadilat ako at napatingin sa nagsalita. Si Feiffer pala. Umupo sya sa tabihan ko at halatang malungkot pa rin.

"Kinakaya ko naman. Okay lang naman ako. Ikaw ba kumusta ka naman?" Tumingin lang sya sa unahan at hindi kaagad nakasagot.

"Hindi talaga natin alam kung kailan matatapos ang buhay. Kaya dapat habang may oras palang sinasabi at ipinapakita na natin sa mga taong mahal natin na mahalaga sila." Nakatulala lang sya matapos magsalita. "Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari nung gabing yun."

"Okay lang ba kayong dalawa? O heto ang kape, magkape muna kayo." Napatingin kami sa dalawang kape sa harap namin.

"Nandito ka na ulit? Akala ko ba umuwi ka?" tanong ko kay Ric.

Umupo sya sa gitna namin ni Feiffer. "Umuwi nga ako. Pero hindi ako makatulog. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari 'tong lahat." Pinahid nya ang mga luha nya. "Nakakapagtaka nga kasi hindi nauubos ang mga luha ko. Siguro dahil sa kape. Minsan nga naiisip kong sahuran ng baso 'tong mga luha ko. Baka kasi lasang kape na, pagkakaperahan ko 'to sigurado." At hindi na nya napigil ang pag-iyak. Mabilis namang kinuha ni Feiffer ang ulo ni Ric at ipinatong sa balikat nya. "Sobrang unfair ng buhay. Bakit nangyayari 'tong lahat?"

*****FLASHBACK******

RIC'S POV

*BANG

Bigla na lang akong natumba sa lupa dahil sa lakas ng tulak sa'kin ni Feiffer.

tRICky DestinyWhere stories live. Discover now