Chapter Five

74.9K 2.2K 281
                                    

Unknown Number:
Hey, Kenna. It's Darin Severo from the gym. I hope you remember me.

Nang mabasa ko ang text ay agad kong ini-save ang contact number niya. It's been a day since he asked for my number. Hindi na ako nagulat sa araw na pinalipas niya bago ako i-text. It's an old trick in the book. Ginagawa iyon para hindi masyadong magmukhang eager at interesado.

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago sumagot sa text niya.

Me:
Oh, hi! :)

Tipid na sagot ko. I've been in the game for too long. I know how to flirt subtly. I know what signals to give and what not to. Dapat ay pa-hard to get ka at magmukha kang challenge para mas lalo silang maging interesado sa'yo. When you're too easy, they'll easily get bored. Pag madali kang nakuha, madali rin na magsasawa.

Darin:
What are you doing?

Kahit na mabilis siyang nakasagot ay naghintay muna ulit ako ng dalawang minuto bago sumagot.

Me:
I'm still in class, actually.

Darin:
Oh. I'm sorry. Am I bothering you? I can text you later if you want.

Napangiti ako habang binabasa ang text niya. Hindi ko na natiis at sinagot na iyon agad.

Me:
No. Okay lang. It's a bit boring.

Mabilis agad ang sagot niya. Napangisi ako. So, he's really waiting for my replies.

Darin:
Talaga? What's it about?

Binabasa ko iyon bang biglang sumiko sa akin. Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ang masamang tingin ni Nina sa akin.

"You're too obvious," bulong nito. Ngumiwi na lang ako sa kanya at ibinalik ang atensyon sa phone.

Itinuloy ko lang ang pakikipag-usap kay Darin hanggang sa natapos ang klase. I'm not going to pass on a possible boyfriend candidate. Physically ay pasado naman siya sa taste ko. He seems nice, attentive, and sweet. At mabilis pang magreply! Hmm. Sapat na sa akin ang mga qualities na iyon.

Our lunch break came and I was still texting Darin. Break na rin niya kaya mas mabilis na kaming sumagot sa text ng isa't isa. Apparently, he's already working. Isa siyang general manager sa isang four-star hotel.

"Mackenzie Solares, hello! Malamig na po ang pagkain mo!" Kinaway ni Oli ang kamay niya malapit sa mukha ko. Inalis ko ang tingin mula sa phone na hawak at natatawang tumingin sa kanya. Nag-angat siya ng kilay. "Who are you texting anyway? Saint?"

Kumunot ang noo ko sa pagbanggit niya sa pangaln ni Saint. Why would that guy text me? Isa pa, wala siyang number ko. At wala akong number niya.

"Some guy she met at the gym," si Nina na ang sumagot bago ako makapagsalita. Naabutan ko ang pag-irap niya. Nina's over protective, kaya ganito talaga siya sa tuwing may makikilala akong lalaki.

"Ohhh. Gym body. He's probably hot then. What's his name?"

"Darin," sagot ko habang nagte-text para magpaalam na kakain na muna ako. Nang matapos ay ibinaba ko na iyon sa table at inilagay na ang atensyon sa kinakain.

"Sounds like a douchebag's name." Oli's nose scrunched.

"Right?" sabat pa ni Nina.

Nakangiting umiling-iling na lang ako sa kanila. "Ang judgmental niyo."

Embrace the Suck (Bad, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon