Chapter Eight

65.6K 2.2K 193
                                    

Halos takbuhin ko ang exit ng club. Wala akong pakialam sa nababangga ko at nahahawi. Maraming umangal at nagalit ngunit wala akong panahon para intindihin ang nararamdaman nila. I just wanna leave.

Naisipan ko na tawagan si Oli. I know he will fetch me. But if I tell him what happened... Mag-aalala lang siya sa akin. He'll hover over me like a protective brother. Paniguradong sasabihin niya rin kay Nina ang nangyari. Kaya mabuti pa na huwag na lang. I can take taxi anyway. Nawala naman na ang pagkalasing ko.

That club scene suffocated me that I needed to breathe in deeply to get some air, like I've been drowning for too long. Napahawak ako sa labi. Shit. Paniguradong kumalat na ang lipstick ko. I wiped my lip with the back of my palm before rubbing off the side for smudges. Wala akong salamin kaya hindi ako sigurado kung natatanggal ba o mas lalo lang kumakalat ang lipstick sa ginagawa ko.

Gusto kong magpakawala ng isang impit na tili pero may mga tao sa paligid. I didn't want to cause a scene. And why am I still here? I should get away from this club. Baka biglang maisipan ng walang hiyang lalaking iyon na sumunod sa akin. Kahit na ang intensyon niya lang ay humingi ng sorry, hindi ko masisikmura na harapin siya.

Pumikit ako at huminga nang malalim. Naghanda na ako para ipagpatuloy ang pag-alis mula sa harapan ng establishment ngunit natigilan agad ako nang bumungad sa harap ko si Saint.

His prying dark eyes were on my face, his stares carefully measuring me. I badly wanted to shiver at how stoic his gazes were. He's too cold and yet I still continued watching him. I couldn't move my feet. I couldn't walk away. I was frozen, and he's the cause. How appropriate.

Naramdaman ko ang pagbaba ng mga mata niya sa pisngi ko. Malamig ang titig niya pero para akong napapaso. Hindi ko na sigurado kung humihinga pa ba ako ngayon o ano. I was too caught up with his stares to even care.

Bahagyang kumunot ang noo niya. Halos magkasalubong na ang kanyang dalawang kilay. Ang malamig niyang mga mata ay lumala pa dahil sa pangingitim nito. I was watching his mood transform first-hand. From cold to rage. I was amazed. I didn't know seeing someone mad can be this beautiful. Wow.

Natigil ang bulgaran na pagtitig ko sa kanya nang mabilis na humakbang siya palapit sa direksyon ko. Napasinghap pa ako nang makalapit na siya sa akin. Inaasahan ko na hahablutin niya ang kamay ko o di kaya ay kakausapin ako. But he did none of that.

Hindi niya ako kinausap. Hindi niya hinablot ang kamay ko. Nilampasan niya lang ako. Dinaanan na parang hangin. Hindi niya ako pinansin.

Naiwan akong nakatayo doon at nanatiling nakatingin sa kinatatayuan niya kani-kanina lang. I felt the blood draining down to my feet. It was embarrassing. Kahit na wala naman nakakaalam na inaasahan kong papansinin ako ni Saint ay nahihiya pa rin ako sa sarili ko.

Ipinikit ko ang mga mata at huminga nang malalim. Paulit-ulit ko iyon ginawa hanggang sa makalma ko na ulit ang sarili kagaya ng ginawa ko kanina.

Whatever. I'm done for tonight anyway.

I resumed with my plan and walked away from the establishment. Sa lugar kung saan sa tingin ko ay may dumadaan na taxi ako tumayo at naghintay. I waited for good five minute pero walang dumadating. Mag-Uber na lang kaya ako?

I was in the middle of a life and death decision making when a hand tightly gripped on my arm. My eyes bulged wide in surprise. I turned my head to my captor and gasped when I saw the familiar back of Saint. My eyes remained wide, and maybe even went wider when I found out it was him.

"Saint? What..." I trailed when we reached in front of his car. He never looked at my direction, so I didn't bother.

He clicked the key fob with his other hand. His black Range Rover unlocked with a brief noise. Binitawan niya ang pagkakahawak sa braso ko at inabot ang door handle. Nang maibukas na ang pinto ng sasakyan ay tsaka niya lang ako nakuhang tingnan.

Embrace the Suck (Bad, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon