2 - LAZARUS A LA MERCEDES BENZ

7.9K 285 81
                                    

"And then we continued blissfully into this small but perfect piece of our forever" Tumutulo ang luha ko habang binabasa ang pinakahuling linya sa sinusubay-bayan kong Twilight Saga.

Nakakalungkot dahil sa tapos na ang kwento at oras na isara mo na ang isang libro, magigising ka sa katotohanan na may sarili ka nga pa lang mundo. My Edward, mamimiss kita :(

Well, back to reality, I'm inside a vacant room at wala na ni isang tao. I'm back to Daniela Aurora C. Baltazar at hindi na ko Isabella Marie "Bella" Swan. Haaay.

Kinuha ko na ang gamit ko sa sahig since sa lapag lang ako nag-ubos ng 3 oras para tapusin ko na ang natitirang chapters ng Breaking Dawn. Kailangan ko ng umuwi dahil siguradong galit na yung mama ko. Ako pa naman taga-saing.

Naglalakad na ko pauwi at habang nasa daan ay may nakita akong pulubi. Kawawang-kawawa siya. Hindi naman ako madalas maawa pero ang sakit sa puso naman kasi friend ng sitwasyon niya. Hindi lang kasi siya nag-iisa, mayroon siyang hawak na baby na hele-hele niya na siyang nakapagpadurog lalo sa puso ko. 

Ayokong nakakakita ng mga batang pinapalo o umiiyak. Feeling ko kasi ay mga angel sila tapos papaluin na lang ng basta-basta! By the way, ewan kung anong nangyare sa akin at lumapit ako sa babae at lumevel sa kanya. Bali umupo ako sa harap niya para kausapin.

"Ate, baby nyo po?"

Tumingin lang siya sa kin. Natatakot talaga ako deep-inside pero kasi..

"Cute niya po ano?" dagdag ko.

"Limusan mo ko." sabi niya. Ewan ko ba pero ito lang ata ang pulubi na hindi mabaho kahit na sa kalye lang sila nakatira.

"Umm, wala po akong pera e. Ano po kasi, gusto ko lang po sana tanungin kayo tungkol sa sitwasyon niyo."

Biglang tumingin siya sa akin na mukhang interesado siya sa sasabihin ko.

"Ano bang gusto mo? Pahingi namang pangkain ni baby o."

"Yun nga po e, tungkol po kay baby, pwede nyo po ba siyang ibigay na lang sakin?" sagot ko. Gusto ko kasing ampunin talaga yung baby.

"ANO?!"

"Ay! Joke lang po kayo naman." Huhu! Nagalit.

"Umalis ka na nga. Hindi ka naman maglilimos."

"Ate, kasi, wala naman po akong pera. Barya lang po ito at hindi sasapat sa pangangailangan niyo. Pwedeng dalhin nyo nalang po yung baby sa DSWD? Kawawa po kasi si baby dito. Mausok tapos expose pa siya sa virus. Hindi naman po kayo pababayaan ng administrasyong Duterte. Nakahingi nga po ako ng scholarship para makapag-aral. Yung mga baby po kasi sa ganyang taon ay dapat inaalagaan sa malinis at maayos na lugar. As a nursing student and aiming to become a doctor,  dapat kumakain din po siya ng healthy food such as milk and vegetable. We should always take consideration of the volume of----"

"Okay-okay! Fine. Alright. Enough said. Ang daldal mo!" 

W -T-F?! 

"N-nag english kayo?!" Gulat kong tanung. Hanep man, pulubi nag-i-english?! 

"Of course, I do. Are you the only one allowed to speak in English? I even speak with British accent, my gosh!" Bigla siyang pumaypay gamit ang mga kamay niya. "I can't tolerate the weather here in the Philippines! It's so hot in here!"

A-anong nangyayari? Panaginip na naman ba to? Parang gag show man! Super funny fre.

Pagkatapos ay may kinuha siyang papel at ballpen sa sira-sirang bag sa tabi niya.

"O ayan, you're qualified enough. Pasok ka na! Kindly write your name, address, contact number, email address and one whole-body picture of yours."

N-name? Address? Contact number? Email Add? Anong nangyayari sa Earth? 

Isang pulubing gutay-gutay ang suot ang in-english ako, british-accent pa, tinarayan ako at kinukuha ang personal details ko at pagkatapos, WHOLE-BODY PICTURE PA!

"T-teka ate, ano bang nangyayari? Pasok saan? Sa banga? Sa basketball ring? Sa toilet bowl? Ate, b-baliw rin po ba kayo?" Sambit ko. Naloloka na talaga ako.

"Basta, wrte everything I need in this paper. We will call and email you right away. Make sure that everything is correct and precise. One more thing, I am not "baliw" that you are saying. Dalian mo magsulat!"

Kahit tulala ay sinulat ko nga lahat ng pinapasulat niya sa akin. Baka kasi pasok na ko sa pag-aartista o di kaya charity show to na may hidden camera. Shocks, nasaan ang mga camera? Ang gulo pa naman ng buhok ko. Inayos ko yung buhok ko at sinuklay gamit ang mga kamay ko. Jusko! Ito na ang break ko. Sa wakas!

Binuksan ko nga yung bag ko at naghanap ng whole-body picture. Kung minamalas nga naman ako ay wala akong dalang whole-body picture. Sino ba kasing makakaisip na magdala ka ng one whole-body picture kasi baka hihingian ka ng isang pulubing biglang nag-i-english?!

"Wala po akong picture."

"Jusko naman. Hindi ka ba vain or nagsiselfie?" Jusko selfie pa ang nais.

"Wala po e pero meron po ako ditong picture nung graduation ko po nung elementary."

"Elementary?! What the heck?! Well, sige, pwede na yan. No choice." sabi niya at biglang umiyak yung baby niyang dala. Cute cute.

"Hush hush na baby, aalis na tayo ni mommy." Mommy? E may saltik nga tong babaeng to. 

Ako naman tong si uto-uto, nagpauto. Sinunuod ko nga yung mga gusto niya. Haaay. Utak din minsan Daniela! Kumausap ka nga ng isang baliw.

Maya-maya ay may pumaradang Mercedes Benz sa tapat namin. Color black na sa sobrang kintab ay nagkukulay gray. Wow.

"O, Daniela. Daniela right?" sabay tingin sa papel na binigay ko. "Paano, we'll go ahead. Keep your line open as well as check your emails frequently para malaman mo kung ano ngang bagay tong pinasok mo. We're hoping for your acceptance on this good offer. Thank you." Pumasok na siya sa kotse.

HAHAHAHAHA! Panaginip lang to. Pramis. Hindi totoo yung nag-english na pulubi at lalong-lalo naman yung pulubing sumakay ng Mercedes Benz na kulay black. 

HAHAHA! Tama, gigising ako mamaya. Gigising na mamaya si Daniela!

Pagkatapos ay sinampal ko ng malakas yung mukha ko. 

Sad to say... Naramdaman ko.



-- End of Chapter LAZARUS A LA MERCEDES BENZ --

Please vote and leave some comments to know your feed backs! Binabasa ko isa-isa ang comments niyo, di ko lang narereplyan lahat but I appreciate it so much!💕

MARRY ME OR I WILL MARRY YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon