23 - THE RED THIEF

1.6K 50 51
                                    


You're dead Daniela. You. are. dead.

Tinignan kong maigi ang gown at wasak na wasak ito. Kung ganito ang sitwasyon nito ay siguradong hindi ako makakasali sa rampage at magiging disqualified ako at ma-fo-force evict ako sa contest na ito. At hindi pwedeng mangyare iyon.

Ang isa pang katanungan ay sino naman ang gagawa nito. Chosens. Oo, maaring ginawa ito ng ibang Chosens, para hindi ako makasali sa contest. Kung may isang matanggal, mas liliit ang competition, more chances of winning. Pero bakit sa'kin pa nila ito ginawa. I'm not even a threat kasi wala naman akong laban sa ganda nila. Ang daming tanong sa utak ko. 

Tumingin ako sa oras at 6:45 PM na. 15 minutes before the start of ceremony. Saan ako hahanap ng pulang gown? Saan? Wala akong maisip na paraan. Hindi naman pwedeng pumunta sa mall at magshopping para bumili ng gown. Mag-isip ka Daniela! 

Binuksan ko ang cabinets pero wala akong makitang pwedeng maging alternative as gown. Kailangan ko ng pulang long gown! Gusto kong umiyak but this is not the right time. Kailangang makahanap ako ng paraan. Hindi pwedeng tanggapin ko na lang na talunan ako. Inikot ko ang mata ko sa paligid ng kwarto. Find anything, do anything. 

Sumilip ako sa veranda at tumingin sa paligid. Mula sa veranda ay makikita mo ang garden na kung saan ito ang magsisilbing wine area after the event na magaganap naman sa hall. Mayroon itong long rectangular table na pinapatungan ng iba't ibang uri ng wines at wine glasses. 

Mag-aalas 7 na kaya medyo madilim na ang paligit ngunit napapalibutan ito ng maliliit na pula at dilaw na ilaw. Wala nang butlers at maids sa garden area dahil nakasetup na ito. Wala akong mahingian ng tulong. Inikot ko ang mata ko baka sakaling may makita akong tao pero wala na silang lahat.

Pero may nakita akong pulang bagay na pwedeng makatulong sa akin. Bahala na! 

Dali-dali akong bumaba sa first floor patungo sa garden area kahit na 5 inches yung heels ko pero wala akong choice. Ang sakit na ng talampakan ko pero mas masakit yung ginawa nilang pananabotahe sa akin. 

Pagdating ko sa garden area ay lumingap ako kung may tao ngunit wala talaga. Lumapit ako sa long wine table na natatakpan ng kumikinang na long red mantle. Dahan-dahan kong tinanggal sa lamesa ang mga wines at wine glasses na nakapatong dito. For all I know, P30,000 - P50,000 isang bote ng wine bottle kaya yare ako pag may mabasag ako dito. Nilipat ko lahat ng ito sa kabilang lamesa at nang matapos ko ay ginawa ko pinaka-desperate move na ginawa ko sa buhay ko. Hinatak ko ang long mantle na pantakip ng lamesa and you know what, it's now my gown! 

Pumunta ako sa gilid ng puno para hubarin ang dress ko ng mabilis. Tumingin ako paligid at mukhang wala namang tao. Buti na lang at nakatube top ako at cycling sa loob. Pinalibot ko sa katawan ko ang red mantle at nagmuka itong tube type gown. Kailangan ko ng pang-ipit sa gown dahil sa mahuhulog ito. Wala akong dalang perdible o kung anomang pang-ipit. Sobrang hassle. Dagdag pa na 6:52 PM na at wala pa rin ako sa event hall. Tumingin ako sa paligid at naghanap ng pang-ipit. Sa kabilang lamesa ay nakakita ako ng pulang ribbon na nakapaikot sa wine. Kinuha ko ito ng mabilisan at itinali sa bandang ilalim ng chest ko para hindi mahulog yung mantle este yung gown ko. Pagkatapos ay sinubukan kong maglakad kung mahuhulog ito and it turned out na okay naman. Pwede na ito, maraos lang ang gabing ito. 

Mabuti na lang at makinang ito pero thru time malalaman nilang mantle ito dahil madidiscover nilang may nagsalisi ng mantle ng long wine table. Pambihira talaga ang pangyayaring ito! Mamaya na kami magtutuos kung sino man ang  gumupit ng gown ko. 

Nilugay ko ang buhok ko na kanina ko pa kinulot. Dinampot ko ang damit na pinaghubaran ko para itago sa ilalim ng kabilang lamesa. Huminga ako ng malalim. Go self, you can do it. Di bali muka kang tanga, ang mahalaga ginawan mo ng paraan. 

MARRY ME OR I WILL MARRY YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon