20 - RENDEZVOUS

1.5K 69 58
                                    

FRIDAY - 2 DAYS BEFORE THE ARRIVAL OF GIDEON 

Last day na ng pasok kaya naman medyo  pagod akong pumasok sa eskwelahan. Ang daming quizzes at pinapasang requirements dahil magfa-finals na. Dahil sa grade conscious ang lola niyo ay todo puyat ako sa paghahabol. 

At dahil sa Friday din ngayon ay mame-meet ko na naman si Sir Caleb. Pagpasok niya ay bumati kaming lahat at nagsimula na siyang i-open ang laptop and projector for discussion. Gustong-gusto ko ng discussion dahil magaling magturo si Sir Caleb. 

'Alright, for today, since we're done with body assessment practical examination, let's make your life a little bit calm by having discussion today." 

Kinuha niya ang click stick niya at inopen ang file. 

"We will discuss interesting facts about human body and I hope no one get bored. First fact about the human body is we can remove you fear through surgery. A surgical procedure called a selective amygdalohippocampectomy removes half of the brain's —and with it, the patient's sense of fear."

Nagpakita ng slide si Sir Caleb ng sample ng amygdalohippocampectomy at lahat kami ay namangha. Posible pala yun?!

"Next is the average human body contains enough sulphur to kill all the fleas on the average dog, enough carbon to make 900 pencils, enough potassium to fire a toy cannon, enough fat to make seven bars of soap and enough water to fill a 50-litre barrel."

Nagtawanan ang klase fact na yun. Nagpatuloy lang si Sir Caleb sa pagdidiscuss at sobrang tinititigan ko lang sya. Nakasuot lang siya ng puting long sleeve with black tie at black pants pero sobrang elegante niya tignan. Matalino, gwapo at humble pa kaya wala ka na talagang hahanapin sa kaniya.  Walang nabobored sa amin habang nagdidiscuss siya kasi marunong siya ng interaction. Napakaswerte talaga ng magiging-girlfirend ni Sir Caleb! Nappangiti ako pag-iniimagine ko na kami magkakatuluyan ni Sir Caleb HAHA. 

"Miss Auree? Are you okay? Namumula mukha mo?" biglang tawag ni Sir Caleb sa akin. SHAKS! 

"A-e Sir Caleb. Sorry po!" Lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin. Shaks, nakakahiya. Lumilipad na pala isip ko. 

"Kanina pa kita tinatawag pero parang malalim yata iniisip. Are you alright?"

"O-opo Sir Caleb. I'm okay. Sorry po ulit!" 

"Alright," sagot ni Sir Caleb. "With regards to Daniela's reddish face, I have a trivia on it. Did you know that blushing is caused by the rush of adrenaline?"

Sobrang pula ba talaga ng mukha ko? Huhu!

 "Rush of adrenaline is caused by different factors . It can be threat or fear. Di ba may naririnig kayo na kapag may nasusunog na bahay, nakakaya buhatin ng babae ang isang refrigerator dahil sa adrenaline rush pero pag tapos na ang sunog ay magtataka bakit hindi na niya mabuhat pabalik dahil wala na ang adrenaline rush."

Nagtawanan ang mga kaklase ko. Ako nakayuko pa rin at hindi makamove on. 

"Another cause is stress at excitement. Example excitement is when you see someone you like or love."

"YIIIIIEEEEEHHHH!" At nag-asaran na naman ang mga lalaki sa klase. 

"Sir, ibig sabihin si Daniela Aurora either one of those reasons ang nagpablush sa kaniya HAHHAHA." tanong ni Kyle kay Sir Caleb. "Daniela, are threatened? Stressed? or Excited?" 

At muling nagtawanan ang mga kaklase ko. Bwisit talaga.

"Stress." marahan kong sagot kay Kyle. "Stress sa mukha mo!" 

Hagalpakan ng tawa ang mga kaklase ko. 

*** *** ***

7PM ay sabay-sabay kaming kumain ng mga Chosens at habang nasa hapag ay nagshi-share sila ng mga kaganapan nila sa schools. Kinakamusta rin kami ng mga Elites.

MARRY ME OR I WILL MARRY YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon