25 - THE RAMPAGE

819 56 76
                                    


"Chosen Daniela Aurora, what is the punishment you want to give if you'll be able to catch the one who tore your gown before you ramp on this stage?"pagkatapos ay nagsmirk sya at binaba ang mikropono.

Nanliit ang mga mata ko sa tanong ng successor.

'What do you mean successor?" narinig kong tanong ni Elite Talina Tuazon mula sa bahagi ng table ng Elites. Tumingin ako sa dako nila at nakita kong nakakakunot ang noo nilang lahat. Tumingin ako sa audience ang mga gulat din ang reaksyon ng mga mukha nila lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Successor Gideon, what do you mean that someone tore Chosen Daniela's gown? W-we don't get it?" tanong din ni Elite Christine Martinez. 

Hindi sumagot ang successor. Tumingin lang sya sakin pabalik sa mga Elites, inangat ang wine glass at ininom ito. 

"Successor, what do you mean, she's wearing her gown right now. Anong sinasabi na may nagsira ng gown ng Chosen?"

Para na akong tood na nakatayo at natulala na lang. Nasira na ang pageant. The heck. 

Isang beses pa ay lumagok ulit ang successor ng wine at binaba ito sa table. "Ask her." 

Tumingin sa akin ang Elites na nag-aantay din ng sagot sa akin. 

May namumuo na kung ano sa lalamunan ko at nararamdaman kong namumuo na rin ang luha na mangilid sa mata ko. 

"Daniela, what happened." tanong sa akin ni Elite Richard. 

Hindi ako sumagot at yumuko. Ayoko magsalita. Gusto ko nang bumaba sa stage pero hindi ko magalaw yung mga paa ko. 

"Spill the beans, Daniela Aurora." muli ay nang-aasar na sabi ng successor. Freakin' Gideon, walang sinasantong event, kahit saan magkakalat. 

Silence. 

"I don't understand, she's wearing the red gown we brought for her.  Please don't ruin the event successor Gideon." na-f u-frustrate na tanong ni Elite Talina Tuazon. Ayokong magsalita, hindi ko naman inisip na mangyayari ito dahil balak ko nga ay iraos lang ang gabing ito saka ko na hahanapin kung sino man ang gumawa ng lahat ng ito. "Chosen Daniela, what happened?"

Hindi ako sumagot at nakatungo lang sa sahig. Pinipigilan ko lang mangilid ang luha ko. Hindi ko ineexpect maging center of attraction sa gabing ito kaya naman sobrang na-a-upset ako sa mga pangyayari. 

"Answer them Daniela Aurora." Cold na pagkakasabi ng successor. Hindi pa rin ako sumagot. Sobrang bigat na ng dibdib ko bago pa lang ako umakyat sa stage na ito dahil sa paghahanap ng isusuot ko kapalit ng gown tapos ito na namna. Kelan ba matatapos itong stress ko. 

"Chosen Daniela, tell us what happen?" mahinahong tanong ni Dr Arthur Sandoval. "Are you wearing a different gown?" Umiling ako. Nanginginig na ang balikat ko mapigilan ko lang ang pag-iyak. Ilang beses ba kong papaiyakin ng Gideon na ito? Ayoko sumagot sa harap ng marmaing tao. Gusto ko lang matapos na itong event na ito. "Chosen Daniela, go down on stage iha, tell us what happened."

Muli ay umiling ako. Nakakahiya na sa mga tao.  

"ANSWER THEM!" sigaw ng successor. Nagulat ako. Bakit ka sumisigaw Gideon? Ano ba? Please, tama na. Durog na durong na ko. Maawa ka naman sa'kin. 

Hindi ako sumagot. Umiling ako. Ayoko. 

"That's bullsht!" muling sigaw ng successor. "Are you that coward?! Tell them that you are wearing the mantel you got from the wine table!" 

SHT.

At dun ay nagbagsakan naman ang mga luha ko. Ayoko na. Sobrang humiliated na ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kahihiyan. Sira na ang rampage. Sira ang welcoming party. Sira ang gabing ito. Pwede bang kahit isang araw lang ay magpahinga sa lahat ng kahihiyan simula nang pumasok ako sa mansyong 'to? 

MARRY ME OR I WILL MARRY YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon