22 - TORNS OF ROSES

1.1K 43 73
                                    


"He went home unexpectedly yesterday night. He's in his room right now."

"O-okay, Ms Gretchen." sagot ko sa kaniya. Naglabasan ang ngiti sa mga Chosens at patagong mga kinikilig. 

"You go now to your rooms to check your gowns and if there's problem, tell your maids or butlers to help you. Thank you girls, good luck!"

"Okay Ms Gretchen!" sagot ng mga Chosens. 

Isa isa nang umalis ang mga Chosens at ako naman ay napatigil ang mundo at hindi makaalis sa kinalalagyan ko. 

Ibig sabihin nga na  ang successor na si Gideon Gabriel Yniguez at ang lalaking nagligtas sa akin sa pool at ang lalaking nasa coffee shop at ang lalaking naka-encounter ko sa pool kagabi ay IISA!

At hindi panaginip ang nangyare kagabi. Totoo lahat ng mga yun. 

Inner Self: Alam mo namang totoo ang nangyare kagabi, in-denial ka lang. 

Siya nga si Gideon. It can't be pero yun ang katotohanan. Matatawa ka na lang kung gaano kaliit ang mundo! Sa daming lalaki yun pang kumag na yun ang successor e napakasalbahe nun! Niligtas nga niya ako sa pool pero pervert sya! Kinuha na nga niya ang first kiss ko at inimply ba naman sa akin na flat chested daw ako after niya mag-chest compressions sa akin during CPR. Hindi ko makakalimutan kung gaano tumawa yung crowd sa paligid ko. Kakagigil talaga!

Isa talaga sa mga pinoproblema ko ay mukhang matatalo na agad ako sa goal na magustuhan ng successor kasi may masama na kaming history sa isa't isa. It's just so funny, out of all people in the world, jeez! 

Inner Self: Ano na Daniela, inaway away mo kasi dati! Kung hate mo yun, lalo kang hate nun. Paano na yan.

Huminga ako ng malalim at hinilot ang sintido ko para makapag-isip. Pwede naman ako magback out kaso lalabas akong looser nun saka nangako ako sa mga magulang ko na tatatagan ko . Pero bakit naman kasi parang pinapahirapan yata ako ng tadhana? Kailangan kong gawin yung mission na mapaibig yung taong siguradong ayaw ka ring makita sa tanang buhay niya. Tama namang kung ayaw ko sa kaniya, mas lalong ayaw niya ako. Why you do this to me earth, why?

Nung nagkita kami kagabi sa pool ay nagulat siya nung sinabi kong isa ako sa Chosen at naalala kong nagsmirk siya! For sure iisip na yun ng paraan para matanggal ako para maalis na ako dito. Yung smirk niyang yun feeling ko ang ibig sabihin ay, "Let's have some fun" or "Lemme kill you!" HUHUHU! Kung ano anong paranoia na naiisip ko pero ang alam ko, I'M DEAD! Tumayo na ako at naglakad na pabalik sa kwarto ko. Kailangan pang isukat yung gown kung okay at kailangan ko pang mag-aral maglakad ng nakaheels.

"Psst, Daniela!"

Lumingon lingon ako sa paligid para tingnan kung sino yung tumatawag sa akin.

"Daniela! Si Kaye to." lumingon ako at nakita ko si Kaye na suot yung gown niya.

"Uy, Kaye! Ang ganda ng gown mo. Bagay sayo!" nakangiti kong sabi kay Daniela.

"Thank you, actually, papatulong sana akong i-critique yung suot ko. Di kasi ako kumportable sa maids e." sabi ni Daniela. "Pwede, pasok muna tayo sa kwarto ko para makapag-usap na rin."

"Yes, of course." sagot ko kay Kaye. Pwede ko namang mamaya na tignan yung gown ko. "Tara sa kwarto mo."

Pumasok ako sa kwarto ni Kaye at nagpatulong sya sa aking ikabit ang ilang butones ng gown. "Mukhang mamahalin ang gown na ito." sabi ko kay Kaye. "Sobrang pinaghahandaan nila lahat para sa successor."

"Kamusta ka na pala Daniela?" tanong sa akin ni Kaye. "Nag-alala ako sayo ng sobra. Anong nagyari sa iyo kagabi."

"Sobrang okay na ako, Kaye, tumawag ako sa mama at papa ko kagabi at yun medyo gumaan ung kalooban ko." sagot ko kay Kaye. "saka kung alam mo lang sobrang intense ng nangyare kagabi."

MARRY ME OR I WILL MARRY YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon