16 - BON VOYAGE

2.9K 112 17
                                    


Napaupo ako sa sahig. Takte yung lalaking yun a.

Biglang bumalik sa ala-ala ko yung mga kaganapan noong nalunod ako sa swimming class na yun. First year college lang ako noon at inosenteng inosente sa mundo. 


** FLASH BACK ** 

"MISS! Wake up! Miss!" Sabi ng boses ng isang lalaki. Batid ko sa boses niya ang hirap at ang pagod. Naririnig ko siya pero hindi ko mamulat yung mga mata ko. Tapos idiniin na naman niya yung mga palad niya sa kaliwa kong dib-dib ng paulit-ulit.

Maayos naman yung pakiramdam ko, nakakahinga na ko pero ramdam ko na punong-puno ng tubig yung tyan ko. Hindi ko lang talaga mamulat yung mata ko dahil sa pagod.

"Miss! Wake up!" Muling sabi ng boses. Naramdaman kong niyuyugyog niya ko.

Maya-maya, may pumisil sa ilong ko at may naramdaman akong malambot na bagay na dumampi sa mga labi ko.

MY VIRGIN LIPS!!

Bumuga siya ng dalawang beses na siyang ikinagulat ko at muling idiniin ang mga palad niya sa dibdib ko!

Okay na ko. Gusto kong sabihin.

Matapos ang ilang segundo ay idinampi na naman niya yung mga labi niya sa labi ko para bigyan ako ng hangin. DALAWA NA!

A-anghel ba to? Nasa heaven na ba ko? San ba talaga?

"Okay na ko.. okay na ko.."Dali-dali kong sinabi. Minulat ko ang mga mata ko at doon ko unang nakita ang lalaking nagligtas sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Hindi ko alam pero naramdaman kong muli akong nalunod sa mga mata niya. Ngayon lang ako nakakita ng ganoon kalalim at kagandang mga mata na parang nakikipag-usap. Nakatitig siya sa akin at ganon din naman ako sa kanya.

Bakit parang huminto ang paligid at wala akong naririnig? Nababaliw na yata ako.

Hinihingal siya at halatang pagod. Mukha rin siyang alalang-alala sa sinapit ko.

"Shit," Narinig kong sabi niya at bumuntong siya ng hininga.

HIndi ko alam kung bakit ko ginawa yun pero hindi na ko komportable sa nararamdaman ko. I need to get rid of this!

Umupo ako mula sa pagkakahiga at bigla ko siyang tinulak.

"OM! Tinulak niya si Babyloves!"

"Grabe, tinulungan na nga siya."

"Buhay naman pala e, wala ng thrill. Tara basketball na tayo!"

"Halaaaaa, sana ako nalang yung nalunod para ako na lang yung na-CPR!"

"Bakat na bakat yung sexy abs ng Prince natin! Spell H-O-T friend! Emenggerrrd!" sabi ng isa kong kaklase.

Bigla siyang tumayo at tinignan ako ng masama. B-bakit ang ganda ng mata niya kahit galit siya? Bakit parang gusto kong titigan lang--- tama na.

Basang-basa ako at ang lalaking nag-devirginized ng lips ko. Gusto kong magalit sa kanya pero alam kong tinulungan niya ko.

Tumayo siya at tumayo rin ako. Gosh, basang-basa ako.

Tinignan ng lalaki yung uniporme niya at tumingin ulit sa akin.

"So, what now? Basang-basa ako dahil sayo," Mahinahon niyang sabi pero halata yung sarcasm sa pananalita niya. Ako rin naman basa a!

"Sorry. Gusto mo, pumunta ka munang bahay tapos papatuyuin ko yang uniform mo. Sala--"

"Nevermind. Grabe,tsk. Ang effective naman ng strategy mo para i-CPR kita. Nadali mo ko dun a," sabay smirk. Aba! Ayos to a! Ginusto ko ba yun?!

MARRY ME OR I WILL MARRY YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon