26 - THE CULPRIT

761 48 34
                                    

*7:00 AM

Nagising ako dahil sa malakas ng sikat ng araw sa mukha ko galing sa terrace. Wala akong masamang panaginip kaya naman maganda ang tulog ko na parang walang nangyareng di maganda kagabi. Nag-inat ako at kinamot ang mga mata ko habang ilang ulit na humikad. Ang sarap yata ng tulog ko.

Minulat ko ang mga mata ko at tinignan ang paligid. Maggo-goodbye mansion na ko today pero okay lang. I'll be free. I am free!

Napakaliwanag ng paligid na parang binibigyan ako ng pag-asa. Binuksan ko ang pinto papuntang terrace at tinignan ko ang paligid. Mukhang normal naman ang lahat. Iniisip ko lang kung ano na ang nagyari sa pageant kahapon at kung sino ang napili ng successor na manalo sa Test of Beauty. Lahat ay magaganda at matatalino kaya for sure ay nahirapang mamili ang successor. Malabo namang ako ang mapili dahil hindi ko natapos ang ramp at nagkagulo pa tuloy dahil sa akin. Pero okay lang, gusto ko na rin matapos ito at bumalik na sa normal kong buhay. Kung magdedesisyon silang umalis ako, it's okay. Mas okay. Tanggap naman ako ng magulang ko kahit hindi ko naipanalo.

Ayoko mang isipin ang mga nangyari pero hindi talaga nawawala sa isip ko. Binuksan ko ang phone ko at may ilang texts si mama na nangangamusta at nagreply ako sandali. Bumuntong hininga ulit ako at sina-savor ang moments dahil baka huling araw ko na dito. Ganoon pa rin, napakaganda ng paligid. Ang daming paru-paro at ibong nagliliparan sa garden. Bukas ang fountain kaya naman mas masarap pagmasdan ang paligid.

Kung magiging milyonaryo ako, magpapagawa ako ng ganito kagandang bahay tapos laging may feeding program sa garden ko na kung saan pwedeng maglaro ang mga bata.

Isa yun sa mga pangarap ko, makatulong sa mga mahihirap nating kapwa sa maliit na paraan. Namimiss ko na rin yung mga alaga ko sa Church every Sunday school nila. Muli ay sinilip ko ang paligid at bumalik na sa kwarto. Kinuha ko ang tuwalya ko at naghanda ng damit na isusuot pagkatapos kong maligo. 7:15 na ng umaga kaya for sure ay nabi-breakfast na sila.

Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos ako ng sarili. Inayos ko ang kama ko at iba pang kalat sa paligid. Habang nag-aayos ako ay may nakita akong letter envelope sa center table. Ano ito?

Napakunot ang noo ko at unti-unting binuksan ang kulay puting letter envelope. Pera ba to? hehe. Binuksan ko ito at kinuha ang papel na nakatiklop sa loob. Ang daming pumapasok sa isip ko kung anong klaseng liham ang nasa loob nito. Letter of dismissal ba ito? Letter of expulsion. Medyo kumirot ang puso ko pero posible. Hindi ko magawang buksan yung letter kasi nalulungkot ako. Hay, ito na nga ito. Baka binigyan na lang ako ng letter para di na sila kausapin. Nakakalungkot talaga. Sa mga nangyari kagabi, sino ba namang matutuwa. Libo ang audience tapos nagkalat ako, kami ng Yniguez Group. Loko kasi itong si Gideon, hay.

Unit-unti ay binuksan ko ang letter.

--------------------------------------------

DEAR CHOSEN DANIELA AURORA,

PLEASE BE INFORMED THAT YOU

NEED TO GO THE MEETING AT THE

CONFERENCE HALL BY 9:00 AM.

- THE ELITES

--------------------------------------------

Meeting? Para saan? Pero okay nang ganito kaysa letter of dismissal. Nakahinga ako ng maluwang. Kailangan kong makababa sa conference hall mamaya para malaman kung ano ang nangyari kagabi at sino ang nanalo sa kanila kagabi. Nacu-curious ako. Bumaba ako sa kama at inayos ang buhok ko.

Nakangiti akong humarap sa salamin. Aja Daniela! No matter what is the decision, tatanggapin ko.

Matapos kong magsuklay ay bumaba ako sa dining pra kumain ng breakfast. Tahimik lang ang lahat. Wala ang mga Elites at kaming mga Chosens lang ang nasa dining liban sa mga maids na nag-aassist sa amin.

MARRY ME OR I WILL MARRY YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon