3 - DANIELA AURORA 'BOREALIS'

4K 129 5
                                    


Nakatulala ako habang naglalakad pauwi ng bahay.

Mapanganib na talaga ang panahon ngayon. Dapat hindi ko ibigay ang personal information ko. Tsk. Tsk. Pero nararamdaman kong JACKPOT yun. Tiwala lang Daniela!

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ng tatay ko na naglalaba. Sipag talaga ni tatay!

"Pa.." Bati ko sa kanya. Sabay mano at halik sa kanyang pisngi. "Pasok na po ako."

"Sige anak. Pahinga ka na."

"Opo pa. Ano ulam."

"Adobong sitaw 'nak"

"Wow. My peyborit!"

Pumasok na ko sa loob at sinalubong si Nico, kapatid kong mahal na mahal na mahal ko. Thirteen years old na siya.

"Kamusta naman ang poging kong kapatid!" Sabay yakap ko sa kanya kahit hindi ko pa ibinababa ang mabibigat kong gamit.

"Hmmm-Hmmm- A.. te.."

"Galing naman. Saan si Mama?"

"Hmmm-Hmmm. A.. te." Ulit niyang sabi.

"Galing na magsalita ng baby namin a." Nakangiti kong sabi sa kanya habang nakatingala siya sa itaas na parang may tinatanaw.

"Hmmm.. A..te" at dahan-dahan siyang pumalakpak.

Ate..

Ate..

Ate..

Naiiyak ako sa tuwing maririnig ko ito. Ang sarap kasing pakinggan sa tainga. Ang kapatid kong si Nico ay mayroong sakit na Cerebral Palsy. Isa siyang sakit na kung saan apektado ang utak mo na nagreresulta sa di pagsasalita, hindi paglaki, pagisip ng hindi tama sa gulang at iba pa. Maswerte lang kami dahil nakakapaglakad pa siya. Sa kabila na 13 years old na siya ay parang 2 years old lang ang utak niya.

Si Nico ang dahilan kung bakit ako nangarap na maging doctor or more specific, maging Neurologist. Gusto kong mapagamot ang kapatid ko. Siya ang inspirasyon ng pamilya ko kung bakit kami nagpapatuloy sa buhay kahit mahirap lang kami.

Medyo may kamahalan ang pagpapagamot sa kanya dahil nangangailangan siya ng regular therapy, masustansyang pagkain, mamahaling gatas at iba pang pangangailangan sa ospital kapag sinusumpong siya. Tanging si Mama lang ang nag-aalaga sa kanya kaya naman kay Papa lang kami kumukuha ng pangtustos.

Ganun pa man, masaya naman kaming pamilya.

Kaya ngayon, sobrang nagtatiyaga talaga ako sa pag-aaral at inuubos ko ang libreng oras ko sa pagrereview habang nag-aalalaga sa kapatid ko.

Mahal na mahal ko sila at ayokong ma-upset sila sa akin kahit na hindi naman silang naghahangad na suklian ko sila.

Nagtatrabaho bilang mekaniko si Papa kaya naman sa garahe lang siya naglalagi. Mayroon lamang kaming maliit na vulcanizing shop. Awa naman ng Dios ay natutugunan nito ang maliliit naming pangangailangan.

May kamahalan din kasi ang pag-aaral ko sa Watkins University dahil ayaw ng Papa ko na kung saan lang ako mag-aral. Paghihirapan daw niyang matugunan ang mga pangangailangan ko sa pag-aaral.

Madaling-araw pa lang ay nagluluto na kami ni Mama ng ibebenta sa almusal. Maaga akong pumapasok sa school dahil sa nagpapart-time job ako as Student Assitant ako ng para kahit paano ay may extra allowance ako. Pagdating naman ng araw ng sabado ay tumutulong akong barista sa Coffee Shop ng lola ng tita ng pinsan ng classmate ko nung Kindergarten. Cute naman daw ako kaya pinayagan ako kahit kada sabado lang. Pag araw naman linggo naman ay nakareserve kay God. Bait ko ba?

MARRY ME OR I WILL MARRY YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon