17 - LE TOUR

5.2K 247 290
                                    


Makalipas ang dalawang oras ay huminto na rin ang sasakyan. Medyo malayo na ito. Huminto ito sa tapat ng napakalaking gate na kulay puti. Mataas ang pader ng masyon at punong puno ng magagandang uri ng ornamental plants ang paligid. 

Unti-unting bumukas ang gate at pumasok na ang kotseng sinasakyan ko. Napakaganda ng paligid. Habang papalapit sa mansyon ay napadaan kami sa isang napakagandang garden. Madaming ibon at paru-parong lumilipad sa paligid. May magagandang landscapes at statues ang nasa paligid. 

Tumingin ako sa bandang kanan at mayroong man-made canal na nilalanguyan ng maraming isda. Napakaganda at aliwalas ng paligid. Sa malayo pa lang ay nakikita ko na ang puting-puting at malawak na masyon. Naiisip ko pa lang na nandito ako titira ay nalulula na ako. Sa tapat ng masyon ay marami nang kotse ang nakaparada na ibig sabihin ay mas nauna na ang ibang ladies. 

Hindi ko alam pero namamawis ang mga kamay ko at naghihina na ang mga tuhod ko. Tumingin ako kay Butler Trevor sa likod at halata sa mukha niya na sinasabi ang mga katagang "Ano, susuko ka na ba Miss Daniela? We can turn over the car and bring you back home."

Ngumiti lang ako sa kanya.

Pag baba ko sa kotseng ito, magbabago ng 360 degree ang mundo ko.

Muli akong tumingin sa bintana ng kotse. Napakalaki ng masyon at hindi ko masabi kung ilang palapag ito. This is it.

Pagbaba ko ng kotse ay inalalayan ako ni Butler Trevor.

"Follow me Miss Daniela." Sambit niya sa akin.

Tumungo lang ako at sumunod sa kanya. Pumasok kami sa napakalaking pinto na masasabi kong main entrance ng bahay. Madaming maids sa aisle na nakangiti sa akin habang papasok ako. 

"Welcome Miss Daniela." Isa-isa nilang bati sa akin. Nginingitian ko lang sila at tumatango tango. Hindi ko alam yung gagawin ko. Nakakapanibago.

Matapos ang mahabang lakaran ay nakapunta na kami sa isang malaking dining room. Dito ay nakita ko na ang mga Elites, si  Ms. Gretchen Zobleta at nakita ko na ang ibang ladies.

Nakalatag sa lamesa ang iba't ibang uri ng masasarap na pagkain. 

"Please sit down Miss Daniela." Sabi ni Butler Trevor at nag-give way sa upuan para makaupo ako.

"Thank you, Trevor." Sagot ko at umupo na. Ngumiti ako sa ibang ladies. Kumpleto na kami at mukhan walang balak mag back out isa man sa amin.

"Good to see that you're complete. Akala ko ay magba-back out." Sabi ni Miss Gretchen. Nagtawanan ang Elites sa sinabi ni Miss Gretchen. "Anyways, thank you so much for coming. I hope you will enjoy your stay in this mansion. Anything that you need will be provided by our kind maids and butlers. Tonight, we are going to go around the mansion for you be get familiarized with it. After that, we will give you each your room keys. You can rest and start your first morning in this mansion. By now, you can eat since we understand that you came from long trip and emotional goodbyes with your parents."

"Indeed." Sabi ni Chosen Lara Grace Llamas. "I had a little trouble with my family earlier. They seems sad and happy at the same time but I am concrete with my decision."

"That sounds great Ms Lara." Sagot ni Ms Gretchen. "By the way, let's now eat."

Lahat kami ay nagsikainan na. Habang kumakain ay nagpapalitan kami ng kwento patungkol sa pamilya namin. Hindi ako ganoon kakomportable pero kinakailangan kong makisama at maipakitang nag-aadjust ako kahit papaano sa magarang buhay na ito. 

Habang kumakain ay naalala ko ang pamilya ko. Ito ang tanging pagkakataon na hindi  ko sila nakasama sa hapunan maliban na lang na nagoovernight stay ako para makagawa ng projects sa school. 

MARRY ME OR I WILL MARRY YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon