18 - CALEB

1.1K 41 17
                                    

Sorry for updating after 3 years.  Covid crisis made me decide to open Wattpad account again and write since there's nothing to do. Recently reading your messages and I'm happy for the feedback. Love you guys! 

*** CALEB *** 

Monday. 

Matapos ang mahimbing kong tulog ay nagulat ako sa paligid ko. Napakaganda ng kwarto na tinutulugan ko. Mas lalo pa syang gumanda dahil sa maaliwalas na liwanag ng araw na nagmumula sa salaming bintana. Oo nga pala, sa ibang bahay na ko natutulog. Hindi na sa mainit at masikip na kwartong nakagisnan ko. At oo nga pala, hindi ko na kasama sila mama, papa at si Nico.Kumusta na kaya sila? Minasdan ko ang paligid. Napangiti ako sa nakita ko. May nakahandang pagkain sa tabi ng malambot kong kama.Para naman akong prinsesa. 

Tumayo ako at binuksan ang pagkalaki laking aparador. Punong puno ito ng iba't ibang uri ng damit. Magagamit ko ba lahat ng ito? Grabe. Ang ilan sa mga ito ay tinapat ko sa katawan ko para tignan kung bagay sa akin. Grabe. Napakaganda ng mga damit na ito at mukhang mamahalin. Binuksan ko rin ang isang aparador at punong puno naman ito ng magaganda at iba't ibang uri ng sapatos. Nagsukat din ako ng iilan at lahat ng ito ay kasya sa paa ko. Ibig sabihin, pinaghandaan talaga nilang lubos ang contest na to. 

 Pambihira. Sobrang gumastos sila para lang sa paghanap ng mapapangasawa ng successor ng kumpanyang ito. Tumigil na ko sa kakahalungkat at dumiretso na sa banyo para maligo. Six thirty AM na at seven-thirty AM ang klase ko. Pagkatapos kong maligo ay mabilisan kong inubos ang pagkaing inihanda nila. Plantsado na rin ang uniform ko. Basically, lahat ng bagay na kailangan ko ay inihanda na nila. 

 Paglabas ko sa kwarto ay napadaan ako sa kwarto ni Kaye. Balak ko sanang katukin sya at magpaalam kaso baka tulog pa siya o nauna nang umalis sa akin. Nakaalis na rin kaya ang ibang ladies? Tinahak ko ang mahabang corridor. 

 "Good morning Chosen Daniela." Bati ng isang maid. 

 "Good morning din. Galingan nyo sa trabaho." Sagot ko at ngumiti sa kanya. Bumaba ako ng hagdan at hinanap si Trevor. "Trevor. " Tawag ko sa kay Trevor na nakaupo sa may lounge. 

 "Miss Daniela. Good morning."

 "Hmmm. Ano kasi, saan ba yung sakay papuntang school. Medyo hindi pa ako pamilyar sa lugar dito. Baka pwede mong maituro." Tanong ko sa kanya. 

 Ngumiti si Trevor at napailing. "Miss Daniela, I am here in lounge because I am waiting for you. I will send and fetch you to school. It is my job as your personal butler to ensure your security. You dont need to pay cab or commute." Napanganga ako sa sagot ni Trevor. BAKIT ANG GALING NYANG MAG ENGLISH! 

 "A.. e... Sige, hehe." Sagot ko. 

 "Let's go Ms. Daniela."Nakangiti niyang sagot at tumalikod na. Sinundan ko siya. Salamat sa Dios at ihahatid naman pala ako dahil for sure, maliligaw ako paglabas pa lang sa mansyong ito. Ano na kayang masasabi ng mga kaklase ko pag nakita nilang nakasakay ako sa kotse papasok araw araw sa school.  

Habang nasa byahe ay sobrang lumilipad ang isip ko sa mga nangyari at mangyayari sa buhay ko. Pinasok ko to dapat panindigan ko ito. 

7 days. Pitong araw pa bago ko makikita si Mr. Gideon Gabriel Yniguez. Pitong araw na lang ang natitira kaya dapat magrelax muna ako at wag muna ako mastress. 

Anyways, dapat magfocus ako sa first subject ko dahil may practical examination ako sa subject kong HEALTH ASSESSMENT dahil MWF ang schedule ko dito at ang masaklap ay first subject ko ito. 

Paborito kong ang subject na ito kasi memorization na isa sa mga mahilig kong gawin. Lagi akong nagmemental note ng mga bagay na sa tingin ko ay mahalaga. First year pa lang ay saulo ko na ang internal at external part ng katawan maging ang mga pangalan nito. Since health assessment ito ay kailangan masabi mo ang bawat parte ng katawan ng ka-partner mo at ano yung mga assessment na gagawin mo gamit ang mga medical apparatuses. 

MARRY ME OR I WILL MARRY YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon