Chapter 2

44K 1.1K 25
                                    

KINABUKASAN ay tinanghali na ng gising si Erica. Hindi nito alam kung anong oras na ba sila nakatulog ni Frank. Napahaba kasi ang kwentuhan nila ng binata. Hindi niya akalain na masarap palang kakwentuhan ang binata.

Agad na nag-inat ng katawan si Erica sabay bangon nito. Nakita niyang may damit narin na nakapag sa tabi niya. Kaya napangiti siyang bumaba ng kama at nagtungo sa banyo. Agad naman siyang naligo. At makalipas ang ilang minuto ng matapus siyang maligo ay agad niyang tinuyo ang katawan at buhok gamit ang towel na nasa loob ng banyo bago niya ito tinapis sa kanyang katawan.

Agad siyang lumabas ng banyo at nagtungo sa gilid ng kama kung saan nakalapag ang damit na isusuot niya. Dadamputin na sana nito ang undies upang isuot ng biglang bumukas ang pinto. Dahil sa gulat nito ay biglang nawalan ng balanse si Erica. Mabuti na lang at maagap si Frank kaya bago pa man tumama ang ulo ng dalaga sa dulo ng kama ay nahapit na ito ni Frank sa baywang.

Habang magkahinang ang kanilang mga mata ay hindi alam ng dalawa kung ano ang gagawin. Bigla naman binalot ng pagnanasa ang binata ng makita nito ang makinis na balat ng dalaga. Ngunit ayaw naman niya itong samantalahin ang kahinaan nito kaya nakangiti niyang inalalayan makatayo ng tuwid si Erica.

"Hihintayin na lang kita sa baba." Anitong nakangiti bago iniwan si Erica. Saka naman nakahinga ang dalaga at nahimasmasan dahil sa nangyari.

Pagkalabas ni Frank ng guest room kung saan si Erica ay dali-dali itong pumunta sa kusina at kumuha ng malamig na tubig. Isang lagok lang niya ang laman ng baso. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganun na lang ang epekto ni Erica sa kanya. Dati rati naman kahit ilang babae pa ang maghubad sa harapan niya ay mahirap bumigay ang pagkalalaki niya. Pero pagdating kay Erica ay iba, yun ang hindi niya maipaliwanag kung bakit.

Nang bumaba si Erica kung saan ang sala ng bahay ni Frank ay halos hindi siya makatingin sa mukha ng binata dahil sa hiya. "F-frank, kailangan ko ng umuwi. May pasok pa kasi ako sa pinapasukan kong fast food chain." Lakas loob ni Erica sa binata.

"Your not going there to work. At hindi kana rin babalik para magtrabaho sa bar na yun." Ma autoridad na saad ng binata. Kaya biglang napaangat ng ulo ang dalaga at kita nito ang kaseryosohan sa mukha ni Frank.

"Pero--

"Kung ang gastusin mo lang sa pag-aaral ang problema mo ay kaya kong sagutin yun. At hatid sundo pa kita sa pinapasukan mong university. Hindi ko lang maatim na may mambastos na naman sa'yo at baka ikapahamak muna. Baka may mapatay ako kung magkataon." Anitong makikita mo sa mukha niya ang galit. Bigla naman nakaramdam ng takot si Erica na agad nakita ni Frank. Kaya biglang umamo ang mukha nito.

"I'm sorry." Agad nitong saad sa dalaga. "It's okay. Ayaw ko lang kasi maging pabigat sa iba, pasensya kana kung naikwento ko tuloy kagabi ang tungkol sa pagkatao ko." Ani Erica. Pakiramdam niya ay na guilty siya at nagsabi siya sa binata.

Agad na nilapitan ni Frank si Erica sabay hawak nito ng mukha ng dalaga gamit ang dalawa niyang kamay. "Kung ano man ang iniisip mo ay nagkakamali ka, ginagawa ko ito dahil ito ang sinasabi ng puso ko. At kung ano man ito ay hindi ko pa mabigyan ng kasagutan kung ano." Anitong nakatingin sa mata ni Erica.

"Please! Stay here and listen to me." Sumamo nito kay Erica na pagbigyan siya sa kanyang kagustuhan. "Sige ganito na lang. I'm going to deal with you." Maya ay anito kay Erica. Naguguluhan naman ang dalaga sa tinuran ng binata.

"Anong deal ang gusto mo?" Kinakabahang tanong nito kay Frank.

"Kapag lumabas ka sa pintong yan para bumalik sa trabaho mo ay ipapakidnap kita at ibabalik dito." Anito kay Erica sabay pinadaanan nito ng hintuturo ang balikat ni Erica patungo sa kamay nito at doon agad pinagsiklop ng binata ang kanilang mga kamay.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon