Chapter 16

32.3K 816 29
                                    

SUMAPIT ang araw kung saan invited ang magkakaibigan sa gaganaping okasyon sa tahanan ng mga Monte Silva. At dahil alam ni Erica na mga kilalang pamilya ang dadalo sa naturang okasyon ay halos haluglugin na niya ang lahat ng mga damit niya para pumili kung ano ang isusuot niya. Ngunit hindi siya makapili kung ano sa mga ito ang dapat niyang isuot.

"Hey! Are you okey?" Boses ni Frank na nagpalingon sa kanya. Kapapasok lang nito sa kwarto nila. Nakasuot pa ito ng office suit dahil galing ito sa opisina.

Agad naman lumapit dito si Erica at tinulungan niyang hubarin ang suot ng binata.

"Hindi ko kasi alam kung ano ang susuotin ko." Anito sabay kagat niya ng pang-ibabang labi. "Kahit anong isusuot mo ay maganda ka parin." Saad dito ni Frank na agad hinapit sa baywang.

"I know that, pero syempre ayaw ko namang magmukhang manang doon. Gusto mo bang pag-usapan ng mga kakilala mo na ang kasama mo sa party ay parang manang?" Anitong nakapuot. Napangiti naman si Frank sabay iling nito dahil sa tinuran ng dalaga.

"Hindi ka mukhang manang." Anito sabay siil niya dito ng halik na siya rin namang pagtugun ni Erica. Ilang minuto rin magkahinang ang kanilang labi bago ito naghiwalay.

"Tingnan mo yung dala ko, I know bagay yun sa'yo." Ani Frank na nakangiti. Saka naman napansin ni Erica na may dala pala si Frank sa kwarto nila. Kaya agad niya itong tiningnan at ganun na lang ang pag-awang ng mga labi niya ng makita ang bagong damit na binili ni Frank para sa kanya.

"Oh! My God." Naibulalas nito sabay halik niya ng mabilis sa labi ni Frank at muli niyang tiningnan ang hawak na damit. "Baby, ang ganda. I like it very much." Anitong bahagyang isinukat.

"Buti naman at nagustuhan mo ang akala ko hindi mo magugustuhan." Ang kakamot-kamot na turan dito ni Frank.

"Thank you." Ang nakangiting ani Erica dito matapus niyang ilapag sa kanilang kama ang damit na binili ni Frank para sa kanya. Ipinulupot nito ang dalawang mga kamay sa batok ni Frank. Si Frank naman ay nakasuot lang ito ng jeans at walang suot na pang-itaas.

"Alam mo bang kanina pa ako naghahanap ng maisusuot kung damit. Alam ko kasing hindi mo gusto ang open dress na isusuot ko. Kaya naghahanap ako ng long dress but look elegant." Anitong nakatingin sa mga mata ng binata na napangiti.

"Ayaw ko kasing makita ng iba ang balat mo. Kung pwedi nga lang takpan mo lahat ay pinagawa ko na sa'yo. Gusto ko kasing ako lang ang nakakakita ng katawan mo." Seryoso nitong aniya kay Erica.

"I'm all yours, baby." Saad nito kay Frank na bahagyang tumingkayad at dinampian ng halik sa labi ang binata na napangiti. "Kailangan na nating magbihis. Dahil kapag nalate tayo doon sa party ay baka buksain ka na naman ng mga kaibigan mong napaka green mind." Anito kay Frank.

"Lalo na yung kaibigan mong si Tyrone at Jeb ba yun. Mga mukhang fuckboy." Saad nitong agad hinubad ang suot niya sa harapan ni Frank at tanging bra at panty lang niya ang itinira niya. Kaya naman napasipol na lang si Frank na nakamasid kay Erica.

Agad isinuot ni Erica ang damit na binili ni Frank sa kanya. Long slave dress na hanggang tuhod ang haba nito at kulay light pink. Mabulaklakin ang pagkakaburda nito sa parting itaas at plain naman ang mula baywang hanggang tuhod na kulay light pink. Matapus isuot ni Erica ang damit ay bahagya itong nagpaikot-ikot na nakangiti sa harapan ni Frank.

"Your like a princess, my lady." Ang nakangiting puna dito ni Frank sabay tanggal nito ng pagkakatali ng buhok ni Erica. Kaya nakalugay ang maalon nitong buhok na lampas balikat ang haba.

"Thank you, Mister." Anitong napangiti sabay sipat niya ng sarili sa harap ng malaking salamin sa loob ng silid nila. "Teka! But hindi ka pa nagbibihis?" Maya ay napansin nitong hindi pa pala nagbibihis ang binata.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon