Chapter 12

33.2K 905 20
                                    

HABANG abala si Frank sa trabaho niya sa kanyang opisina ay biglang bumukas ang pinto ng opisina niya. At tuloy-tuloy na pumasok ang isang babae doon.

"Hi, how are you my dear?" Anang babae na nakangiti.

"Hey! I'm good, how about you? Sina tito at tita kumusta?" Anito sa babae.

"Nhaaaa.....where fine! pero miss kana nila Mom and Dad." Sagot nito kay Frank na agad naupo sa visiting chair na nasa harapan ng mesa ni Frank.

"How about Andrie, kailan uuwi dito?" Tanong niya dito.

"Nhaaaa.....ewan ko doon, wala na atang plano umuwi dito. Kilala mo naman yun kung anong ugali nun. Ipahanap mo nga at ipahila ng makauwi ng Pilipinas." Sagot nito sa tanong ni Frank.

"But ka nga pala napadalaw dito?" Takang tanong nito sa kaharap kung bakit ito napadalaw.

"Napadaan lang ako para kumustahin ka." Saad nitong nakangiti. "Anyway hindi rin ako magtatagal dahil may pupuntahan pa ako." Anito na agad tumayo. Agad din namang tumayo si Frank at nilapitan ito sabay yakap niya dito kaya napayakap din ito sa kanya bilang ganti.

"Take care your self." Habilin dito ni Frank. "Okey! You, too." Anang kayakap na siyang naratnan ni Erica. Selos ang makikita mo sa mukha ng dalaga dahil sa nasaksihan. At dahil ayaw nitong makita ng dalawa ay agad siyang tumalikod ngunit nakita parin siya ni Frank.

"Erica...."

Tawag dito ni Frank.

"Erica.....wait."

"Porket may babae siyang iba ay Erica na tawag sa'kin. Eh! dati naman e baby ang laging tinatawag sa'kin kahit may nakakarinig na iba." Naiinis nitong aniya sa sarili. Agad nitong pinindot ang lift at dadali siyang pumasok doon ng bumukas ito.

"Erica ha. Magsama kayo niyang bago mong babae." Anitong binilisan ang paglakad.

"Baby, wait, let me explain." Ani Frank ngunit huli na dahil agad sumara ang lift. Kaya halos sipain ni Frank ang lift ng magsara yun.

"Frank, what is going on?" Naguguluhang tanong ng kasama kanina na nakasunod sa kanya.

"My girlfriend and_

_Oh! My God. I'm sorry." Saad nito kay Frank sabay hila niya sa binata papasok ng lift ng bumukas ito. "Don't worry, i'll explain with her na mali ang iniisip niya. My God, insan but kasi hindi mo sinabi at pinakilala sa'kin ang girlfrind mo. Yan tuloy ang akala niya nagluluko ka." Anang iiling-iling na saad ng pinsan ni Frank.

Pagkalabas lang ni Erica sa building na pag-aari ni Frank kung saan ang opisina nito ay dali-dali itong pumara ng taxi.

"Magsama kayong dalawa, babaero. Bakit kasi naniwala ka sa kanya, bakit kasi umasa ka. Di anong napala mo tapus ngayon iiyak-iyak ka. Ang tanga mo kasi." Anito sa sarili habang umiiyak.

Saka lang namalayan ni Erica na nasa tapat na pala siya ng bahay ni Frank ng magsalita ang driver ng taxi.

"Ma'am, nandito na po tayo." Untag nang driver ng taxi kay Erica.

"Po, ay pasensya na po kayo. Ito po ang bayad ko." Anito sabay abot niya dito ng pamasahe at agad siyang lumabas ng taxi. Ng makita ng security guard ng bahay ni Frank si Erica ay agad naman niyang pinagbuksan ito ng pinto. Kaya agadna pumasok sa loob ang umiiyak paring si Erica.

"Ma'am, okey lang po ba kayo?" May pag-aalalang tanong ng security guard ng bahay ni Frank kay Erica. Bahagya lang niya itong tinanguan at nginitian ng tipid bago siya tumuloy sa loob ng bahay.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon