Chapter 3

42.2K 1K 26
                                    

GAYA ng napagkasunduan nila Frank at Erica ay natigil na sa pagtratrabaho ang dalaga sa isang fast food chain at sa pagiging waitres nito sa isang bar.

"Oy! Erica sino yung naghatid sa'yo, mukhang bigatin ah?" Anang isa sa mga kaibigan ni Erica sa pinapasukan niyang university.

"H-huh! Yun ba, bagong kaibigan na nakilala ko. Nagmagandang loob na ihatid ako dito tutal dito naman daw siya dadaan." Anito. Ayaw kasi nitong pag-usapan siya sa university lalo pa at sikat si Frank. Baka kung ano-ano lang ang ibabato ng mga ito sa kanya. Marami pa naman ang mga bitter sa kanilang university. Kaya hanggat kaya niyang itago ang lahat ay itatago niya.

"Wow! Sana makahanap din ako ng bagong kaibigan na mag-aalok sa'king ihatid dito sa university." Ang natatawang turan ng kaibigan niya.

"Gaga, ka talaga. Tara na nga at baka malate pa tayo sa klase natin." Yakag nito sa kaibigan na natatawa.

Matapos ang klase ni Erica ay nagpasya na itong umuwi sa halip na manatili sa university o gumala kung saan. Hindi kasi niya nakasanayan ang maglakwatsa dahil bawat sintemong meron siya ay pinahahalagaan niya.

At habang naglalakad si Erica palabas ng university ay nadaanan niya ang ilang grupo na kapwa niya studyante sa pinapasukan niyang university. Dahil sa walang ibang madaanan si Erica ay tuloy-tuloy lang itong naglakad. Kahit alam niyang kukutyahin na naman siya ng mga ito.

"Hey! Miss beautiful, kumusta? Papasok kana ba sa pinapasukan mong trabaho?" Tanong ng isang studyante sa kanya na hindi niya matandaan ang pangalan.

"Alam mo kung ako sa'yo ay sumama ka na lang sa'kin sa condo ko. Duble ang ibabayad ko sa'yo basta galingan mo lang ang trabaho mo." Saad naman ng isa sa mga ito.

"Good idea tol, mas malaki ang kikitain niya kesa kinikita niya sa pinapasukan niyang bar." Sabat naman ng isa sa mga ito sabay tawanan nila.

"Maghanap kayo ng iba, not me. Dahil hindi ako bayarang babae kung yan ang iniisip niyo." Ani Erica sa mga ito.

"Ooohhh! Hindi nga Miss? Sinong pinagluluko mo. Sa klase ng trabaho mo ay imposebleng hindi ka sumasideline para malaki ang kikitain mo sa pagiging waitres mo." Anang mga ito na hindi naniniwala sa tinuran ni Erica.

"Pwes kung hindi kayo naniniwala ay problema niyo na yun. So, please excuse me dahil wala akong oras para sa inyo." Ang naiisinis na turan sa mga ito ni Erica sabay hakbang sana niya ng biglang may humapit ng baywang niya.

"Ano ba, bitawan mo ako." Anito sabay nagpupumiglas dito.

"Ang hard mo naman, Miss. I like that by the way," anito kay Erica na nakangisi. "Come on, name it kung magkano ang gusto mo at ibibigay ko sa'yo." Dagdag pa nito.

"Bitawan mo ako bweset ka." Ani Erica sabay tulak niya dito. Ngunit dahil malakas ang lalaki ay hindi kayang manlaban dito ng dalaga. Nakakuha narin sila ng atensyon sa mga studyanteng naroon.

Biglang hinawakan ng isa sa mga ito ang kamay ni Erica. Tinangkang pahahawakan nito sa dalaga ang kayang ipinagmamalaki sa kanyang harapan ng biglang tumama sa mukha nito ang isang kamao. Dahil sa gulat ng mga ito ay biglang nabitawan ng lalaking nakahawak kay Erica ang katawan niyan.

Ang apat na lalaking nambastos kay Erica ay hindi nakalampas ang mga ito. Dahil isa-isa sa mga ito ay nakatikim ng kamao sa mukha. Wala namang gustong makialam sa nangyayari lalo pa at kilala nila ang lalaking nanuntok sa apat na studyante.

"Next time na bastosin niyo siya ay hindi lang ganyan ang aabutin niyo sa'kin. At next time na ibubully niyo siya sa paaralang ito ay ihanda niyo na ang mga sarili niyo sa pagkick out sa inyo palabas ng university na ito." Galit na saad ng may baritunong boses sa mga ito.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon