Chapter 9

34.3K 913 17
                                    


DAHIL sa hindi kayang pigilan ni Frank ang kagustuhan ni AD na lumabas ng hospital ay hinayaan na niya ito. Pumunta na lang sila ni Erica sa isang malapit na restaurant para maglunch.

Ng marating nila ang restaurant ay naunang pumasok sa loob ng restaurant si Erica dahil nakatanggap ng tawag si Frank. Ayaw makinig ni Erica kung ano man ang pinag-uusapan nila Frank kaya mas pinili nitong hayaan na munang makipag-usap muna ang binata sa kausap nito sa tawagan.

Agad na naghanap ng pangdalawahang mesa si Erica ng makapasok siya sa loob ng restaurant. At hindi naman siya mahirapang maghanap dahil agad siyang nakahanap ng bakanting mesa.

Pagkaupo pa lang ni Erica ay bigla siyang nakarinig ng nag-uusap ang isang grupo ng kababaihang nandoon, at hindi siya maaring magkamali dahil kilala niya ang mga itong mga feeling rich.

"Hey! Girl, diba si Erica yan?" Anang isa sa mga ito.

"Yeah! It's her, ano kayang ginagawa ng hampas lupang iyan dito?" Tanong naman ng isa sa mga kasama nito.

"Maybe, meron siyang customer na ikakatagpo dito." Saad naman ng isa na ikinatawa ng mga kasama nito. "Ewww....kadiri siya, ilang lalaki na kaya ang naging customer niya?" Maarting saad din ng isa sa mga ito.

Dahil sa may kalakasan ang boses ng mga ito ay nakakuha agad sila ng atensyon sa ibang mga customer ng restaurant. Kung pwedi lang sigurong hilingin ni Erica na bumuka ang kinauupuan niya at lamonin siya nito ay ginawa na niya. Dahil sa walang tigil ang mga ito sa pangungutya sa kanya ay agad nitong kinuha ang basong nasa harapan niya na merong lamang tubig sabay tayo niya.

"Hi, mukhang nag-eenjoy tayo sa pagchismesan dito ng buhay ko. Abah! Daig ko pa pala ang celebrity kung busisiin niyo ang bawat galaw." Anitong nakangiti ng mapang-uyam.

"Anyway, hindi ako pumunta dito para makipagkita o makipagtagpo ng customer ko. Dahil wala naman akong customer sa buhay. At alam niyo kahit sabay-sabay pa tayong pumunta ng hospital ngayon at magpatingin kung sino ang biyak na ang ipinagmamalaking mapa ng Pilipinas ay hindi ako magpapahuli sa inyo. Dahil alam kung malinis ang pagkatao ko at hindi kagaya niyong mga sosyalera. Samantalang kumakayod ang magulang para sa magandang kinabukasan niyo. Pero anong ginaganti niyo sa kanila. Diba wala, kung kani-kanino nga kayo sumasama sa mga bigtime lalaki, para ipakitang may kaya kayo sa buhay. So, ngayon sabihin niyo sinong matino sa'tin, kayong mga feeling rich o akong mag-isang itinataguyod ang sarili para makatapus ng pag-aaral?" Anitong kinatahimik ng mga babaeng kaharap niya sabay saboy niya sa mga ito ng laman ng basong hawak niya.

"Kaya sa susunod na ako ang babantayan niyo yang mga mukha niyong insecure ang ingungud-ngud ko. At bago niyo suyurin ang bakuran ng iba ay suyurin niyo muna ang sarili niyong bakuran dahil baka kumakapal na ang damo. Dahil hindi niyo kayang linisan." Saad pa niya sa mga ito bago niya tinalikuran.

"Baby, anong nangyayari dito?" Biglang tanong ni Frank na kapapasok pa lang sa loob ng restaurant.

"Nothing baby, pinainit lang ng mga impaktang ito ang dugo ko. Kung makahampaslupa e wagas, akala mo kiyayaman, umaalingasaw naman ang pagkasquater nila." Anito kay Frank. "Let's go home, nawalan na ako ng gana kumain dito." Anito kay Frank at inakay naman siya ng binata palabas ng restaurant.

Umuwi nga ang dalawa at sa bahay na lang nagluto si Erica ng makakain nila. At habang nagluluto ito ay hindi naman nawala sa tabi niya si Frank na panay seduce nito sa kanya.

"Mister, lumayo ka nga muna ng matapus ako sa niluluto ko." Pananaboy niya dito kay Frank. Ngunit parang baliwala lang ito sa binata dahil patuloy parin ito sa ginagawa niya.

"Mister, pano tayo kakain nito kung nilalandi mo ako dito?" Tanong ni Erica sa abalang si Frank sa paghalik sa batok niya.

"Pwedi naman sigurong ikaw muna ang kakainin ko." Pilyo nitong turan kay Erica. Agad naman tinampal ng dalaga ang kamay ni Frank.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon