Chapter 4

39.9K 973 23
                                    

DAHIL sa nangyaring pangbabastos kay Erica na nasaksihan ni Frank sa university na pinapasukan ng dalaga ay hindi na niya ito hinayaan pang ihatid ng driver niya. Siya na mismo ang nagpasyang maghatid sundo sa dalaga.

"Thank you sa paghatid." Nakangiting ani Erica sabay kuha niya ng mga gamit niya. Bababa na sana siya ngunit nakalock ang pinto ng sasakyan.

"Sira ata." Ani Frank sabay baba nito at binuksan sa labas ang pinto ng sasakyan.

Nahihiwagaan naman si Erica dahil imposibleng sira ang pinto ng kotse ni Frank. Sa dami ng kotse nito ay kung sira ang isa ay pwede naman niya gamitin ang iba niyang kotse. At isa pa bago ito aalis ay tinitingnan muna niya ang kotse niya kung maayos ba o hindi.

"May problema ba?" Takang tanong ni Frank ng makita niyang nakakunot ang noo ng dalaga.

"Ang kotse mo, I know hindi yan sira. Sinadya mong i-lock." Anito sabay pinandilatan niya ang binata. Napangiti naman si Frank sabay kamot niya ng batok.

"Luko-luko, sige na alis kana. Pinagpyepyestahan kana ng mga babae oh! Kung pwede ka lang siguro nila hubaran ay ginawa na nila." Saad nito kay Frank na nakanguso.

"Ganyan talaga basta gwapo." Anitong kinaismid ni Erica.

"Masyado kang bilib sa sarili mo, Mister. Sige na alis na at baka mas lalo kang gumwapo sa paningin ng duling, este nila." Saad nito kay Frank.

"Nope, mauna kana pumasok. Dito muna ako hanggang hindi ka nakakapasok sa loob." Ani Frank kaya napailing na lang si Erica na tinalikuran si Frank.

"Bahala ka nga dyan." Anito sa isip. "Hi Frank, how are you?" Dinig ni Erica na kinalingon niya. Doon kita nito kung pano makipagflirt kay Frank ang mga kapwa niya estudyante. Kaya naningkit ang mata nitong binalikan si Frank.

"Ehmmm."

Bahagya itong tumikim kaya ang lahat ay napalingon sa kanya. Nakangiti naman siya ng pilit habang nakapamaywang sa mga ito.

"Kaya ba ayaw mong umalis ay dahil sa kanila?" May diin nitong tanong kay Frank. "At kayo naman akala ko ba ayaw niyong malate sa mga klase niyo. Mukha atang wala kayong balak pumasok ngayon?" Anitong kina yuko ng mga babaeng nakikipag flirt kay Frank.

"At ikaw naman, mukhang nag-eenjoy ka namang nilalandi nila. Maghubad kana lang kaya ng hindi na sila mahirapan pang hubarin yang suot mo. Pero siguradohin mong iuuwi mo yang damit mo ha! Dahil lalabhan ko at gawin nating trapo, sayang naman kung itapon mo lang." Sarkastiko nitong aniya.

Si Frank naman ay natatawa ito ng lihim. Ngunit gusto pa nitong galitin si Erica kaya naman nakaisip ito ng kapilyohan.

"Hindi ko naman kasalanan kung bakit nilapitan nila ako. Sadyang friendly lang ako at ng pansinin nila ako ay gumanti lang naman ako sa kanila." Anito sabay sandal niya sa sasakyan at inilagay niya ang dalawang kamay sa batok niya.

"Tst! Yun din naman ang gusto mo ang pagpyestahan dito." Saad dito ni Erica sabay pinandilatan niya si Frank. "Kasalanan ko ba kung maging gwapo ako?" Anitong mas lalong nagpainis kay Erica.

"Ganun ba? Sige Mister, kapag hindi ka pa umalis at pumasok sa trabaho mo ay wag mo na rin asahang uuwi ako mamaya ha! Dahil papayagan ko ang isa sa mga manliligaw ko na ilabas niya ako tonight for a date. Oh! By the way paparating na siya oh." Paghahamon nito kay Frank na nagpatayo ng tuwid sa binata.

"What?"

Bigla nitong naibulalas. Bigla naman itong nginitian ni Erica. At saktong ihahakbang niya ang mga paa para salubungin sana ang lalaking tinuro nito ay bigla naman siyang hinapit ni Frank sa baywang.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon