Chapter 6

36.7K 974 16
                                    

GABI na ng bumalik si Frank sa tinutuluyan nilang hotel ni Erica. Pagbukas niya ng pinto ay nasamyo niya agad ang pabangong gamit ng dalaga na agad nanuot sa kanyang ilong. Agad nitong isinara ang pinto at maingat siyang lumapit sa kama ng makita nitong tulog na si Erica. Napangiti ito ng makita niya ang maamong mukha ng payapang natutulog na si Erica. Mga ilang minuto din niyang pinagsawaang pagmasdan ang mukha ng natutulog na dalaga bago siya nagpasyang maligo. Mas lalo itong napangiti ng makita niya ang nakalapag na damit para sa kanya kaya napailing na lang ito habang nangingiting pumasok sa loob ng banyo.

Mga ilang minuto lang ang nilagi ni Frank sa loob ng banyo at agad niyang tinapus ang pagshower. Matapus nitong tuyuin ang katawan niya at buhok gamit ang bath towel ay agad niya yun itinapis at lumabas siya ng banyo. Agad niyang isinuot ang boxer short niya at puting sando na inilapag ni Erica para sa kanya. Ang pants na naroon ay hindi niya yun isinuot dahil hindi siya sanay matulog na nakasuot ng pants.

Maingat siyang sumampa ng kama at tumabi sa natutulog na si Erica. Para namang naramdaman ng dalaga ang pagtabi niya at maingat nitong idinilat ang mga mata.

"F-frank?"

"Ssshhh....go back to sleep." Saad niya dito na agad pinaunan sa isa niyang braso ang papungas-pungas na dalaga. Ng mapagsino naman ito ni Erica ay wala siyang pag-alinlangang ipinikit muli ang mga mata at muling natulog habang nakaunan siya sa braso ni Frank.

Dahil sa may kunting tama ang alak na ininom ni Frank kanina ay agad itong hinila ng antok. Pagkaalis kasi nito sa rest house na isa sa pag-aari nila kung saan ang kanyang ina at lalaki nito ay agad siyang naghanap ng bar na pwedi siyang uminom. Kaya ginabi ito ng balik sa hotel na tinutuluyan nila ni Erica. Ipinulupot nito ang isang kamay sa baywang ng dalaga hanggang sa hindi niya namalayan ang paghila sa kanya sa karimlan ng antok.

KINABUKASAN ay maagang nagising si Erica at biglang nanlaki ang mata nito ng maramdamang may nakapulupot na kamay sa kanyang baywang. Ngunit ng mapagsino kung sino ito ay agad din nawala ang takot na namumuo sa kanyang sarili. Napangiti na lang ito ng makita niya ang natutulog na si Frank. Dahan-dahan nitong tinanggal ang kamay ng binata na nakapulupot sa kanyang baywang at hindi naman siya nabigo at naalis niya ito.

"Ang sarap naman gumising kung ganito kagwapo ang masisilayan mo paggising mo sa umaga." Anito sa isip na napapangiti. Maingat siyang bumangon at bumaba sa kama. Ng makababa siya sa kama ay maingat nitong binuksan ang terrace at doon tanaw mo ang karagatan.

Mula sa terrace ng inuukupa nilang kwarto ay matatanaw mo ang mga guest ng hotel na nagjojogging sa tabi ng dalampasigan. Maging sa katabi nitong resort ay ganun din. Meron din maagang nagswiswimming at nagsusurfing dahil sa maganda ang hampas ng alon patungong dalampasigan.

Dahil sa natatanaw ni Erica na magandang tanawin ay dali-dali siyang bumalik sa loob ng kwarto nila at nagtungo siya sa banyo. Ng masigurong maayos na mukha niya ay agad siyang naghanap ng short na maari niyang isuot at manipis na t-shirt sa mga gamit nila. Agad naman siyang nakahanap ng maisusuot niya kaya agad niya yun isinuot sa loob ng banyo. Matapus niyang magbihis ay itinali niya ang mahaba niyang buhok at nagsuot siya ng rubber shoes. Matapus niyang isuot ang sapatos niya ay maingat siyang lumabas ng kanilang silid at agad na nagtungo sa dalampasigan at nagpasyang magjogging. Walang pakialam si Erica sa mga taong naroon dahil alam naman niyang may kanya-kanya silang mundo. Kahit mag-isa lang siya ay nagjogging parin siya.

NANG magising naman si Frank ay agad itong napabalikwas ng hindi niya naramdan ang presinsya ng dalaga sa kanyang tabi. Agad itong nagtungo sa banyo ngunit wala doon ang dalaga maging sa terrace ay wala din doon. Kaya agad nitong binuksan ang pinto ng kwarto nila at sakto namang meron umiikot sa mga kwarto ng hotel na room service.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon