Chapter 15

30.6K 847 35
                                    

KINABUKASAN ay maagang naghanda ng agahan nila si Erica dahil papasok siya sa university at papasok naman sa trabaho si Frank.

"Morning....my lady."

Bati ni Frank kay Erica na naghahanda ng breakfast nila. Agad yumakap ang binata mula sa likod nito at hinalikan siya sa batok. Napangiti na lang ang dalaga na binalingan ito.

"Sige na maupo kana ng makakain tayo, baka malate na tayo." Ang malambing na utos dito ni Erica. Bahagyang dinampian ni Frank ng halik sa labi si Erica bago ito naupo sa hapagkainan.

Tahimik silang kumain ng agahan hanggang sa matapus sila. Agad na nagligpit ng pinagkainan nila si Erica matapus nilang kumain ng breakfast bago ito umakyat sa silid nila at nagbihis.

"Baby, uuwi ka ba dito sa bahay for lunch?" Tanong ni Erica kay Frank na nagbibihis din ng office atire.

"Yeah! Why?" Malambing nitong tanong. "Wala lang, dalawang class lang kasi ang meron ako today, kaya after ng klase ko ay uuwi ako at magluluto ng lunch natin. Wag muna ako sunduin baka busy ka sa work." Sagot nito na agad inayos ang suot ni Frank na necktie.

"Okey! But_

_oh! Alam ko na yang iniisip mo, wag masyado possisseve. Don't worry, wala akong pakialam kahit ilang lalaki pa ang luluhod dyan sa harapan ko dahil nag-iisa lang si Frank Sebastian Murillo dito." Anito sabay turo niya ng dibdib kung saan banda ang puso niya na kinangiti ng binata.

"So, alis na tayo?" Ang nangingiting tanong dito ni Erica. "Yeah! Let's go." Anang binata na nakapaskel parin ang saya sa mukha nito.

Magkasabay silang lumabas ng kanilang silid hanggang makalabas ng bahay. Agad na ipinagbukas ni Frank nang pinto ng sasakyan si Erica ng marating nila ang sasakyan bago ito gumawi sa driver seat.

Tahimik silang pareho habang nasa daan sila. Panaka-naka ay nagkakahulian silang magkahinang ang kanilang mga mata sabay magkangitian ngunit walang salitang lumalabas sa kanilang mga labi.

"Wag masyado mabilis ang pagpaptakbo ng sasakyan, Mister, ha." Habilin ni Erica kay Frank ng marating nila ang university.

"Yes! My lady." Sagot nito na agad tinawid ang pagitan ng mga labi nila. Agad din naman tinugon ng dalaga ang bawat galaw ng labi ni Frank ng magdikit na ang kanilang mga labi.

"I have to go, baka kung saan na naman tayo umabot. Ayaw kung gumawa ka ng milagro dito sa loob ng kotse mo." Ani Erica na natatawa ng maghiwalay ang kanilang mga labi sabay ayus nito ng nagusot na damit.

"Okey! sinabi mo e." Ang natatawa ring ani Frank. "Take care your self, see you later." Anito na agad bumaba ng sasakyan at ipinagbukas si Erica ng pinto ng sasakyan.

"Be careful and no girls around." Ani Erica matapus makababa ng sasakyan ng binata. "As you wish my lady." Sagot dito ni Frank na kinatawa ni Erica.

Matapus maihatid ni Frank sa university si Erica ay agad itong pumasok sa trabaho. At gaya ng inaasahan niya ay hinihintay na siya doon ni Kahlan. Magkasabay ang dalawang pumasok sa opisina ni Frank at dala nito ang nakuha niyang information tungkol kay Erica.

"I'm sorry if I'm late. Hinatid ko pa kasi si Erica sa university." Hinging paumanhin nito kay Kahlan na naupo sa visiting chair ng opisina niya. Siya naman ay agad na naupo sa swivel chair niya.

"It's okey! Boss." Ani Kahlan. "So, shal we start?" Tanong nito na ang tinutukoy ay ang tungkol sa nakalap niyang information tungkol kay Erica.

"Yeah! sure go ahead." Utos niya kay Kahlan. Agad naman inilabas ni Kahlan ang laman ng brown envelope na dala niya at inilabas ang ilang file na nasa loob nito.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon