Chapter 10

35.9K 948 13
                                    

Warning:Rated SPG

PAGKATAPUS ni Erica linisin ang kwarto nila ni Frank ay agad itong naligo. Hindi rin naman siya nagtagal sa loob ng banyo ng makita niya ang oras na kailangan na niyang maghanda para sa dinner nila. Mas gusto kasi nitong siya ang nagluluto para kay Frank sa halip na iba ang nagluluto. Matapus niyang magbihis ay agad itong lumabas ng kanilang silid at bumaba siya patungo sa kusina. Tamang tama namang pagkarating niya sa kanilang sala ay siya namang pagbukas ng malaking pinto. At bumungad doon sa kanya si Frank kaya napangiti siyang sinalubong ito.

Agad naman napansin ni Erica ang kasama ni Frank kaya bahagya nitong tiningnan ang binata at nagtatanong ang mga mata nito kung sino ang kasama niya.

"Baby, si Yaya Sonia nga pala. Isinama ko siya dito ng may kasama ka kapag wala ako. Mas mapapanatag ang loob ko kung alam kung may kasama ka dito kapag nasa trabaho ako at ginagabi pa minsan." Anito kay Erica. Napangiti naman si Erica sa narinig.

"Hello po, tuloy po kayo." Saad nito sa ginang sabay akay niya dito paupo sa couch sa kanilang sala.

"Salamat iha." Nakangiting anang ginang. "Sandali lang po at ikukuha ko kayo ng maiinom niyo." Saad nito. Agad niyang iniwan ang dalawa at nagtungo ito sa kusina para ikuha ito ng maiinom.

"Iho, ang ganda niya at mukhang ang bait rin niya." Kumento ng ginang kay Erica ng makatalikod ito. Isang ngiti ang itinugon ni Frank sa kumento ng yaya niya kay Erica.

Makalipas ang ilang minuto ay muling bumalik si Erica dala ang isang tray na may lamang mga baso na merong juice and small plate with cake sliced. Unang inabutan ni Erica si yaya Sonia ng juice at ang platong meron sliced ng cake bago si Frank. Agad namang kinuha ni yaya Sonia ang inabot sa kanya ni Erica.

"Iha, ikaw ba ang gumawa nito?" Tanong ni yaya Sonia matapus niyang tikman ang cake. Alanganin namang ngumiti si Erica sa takot na hindi masarap ang ginawa niyang cake.

"Opo, nakita ko po sa internet at yun po sinubukan kung gawin." Matapat nitong tanong na kinangiti ng ginang.

"Gusto ko ang lasa iha, tama lang ang timpla." Saad dito ni yaya Sonia. "Talaga po." Ang hindi makapaniwapang saad nito sa kausap. Maging si Frank ay napangiti rin. Bahagya namang tumango ang ginang bilang sagot habang nakangiti ito.

Makalipas ang ilang minutong kausap ni Erica ang yaya ni Frank ay bahagya siyang magpaalam dito na maghahanda lang siya ng haponan nila. Nagpresinta ang ginang na tulungan na niya si Erica na magluto ngunit hindi ito hinayaan ng dalaga. Dahil first time daw nito sa bahay ni Frank kaya hindi muna ito pweding gumawa ng gawaing bahay. Kaya walang nagawa ang yaya Frank kundi ang tumalima sa kagustuhan ni Erica.

"Yaya, hali po kayo at ipapakita ko sa inyo ang magiging silid niyo." Ani Frank sa ginang. Agad naman itong tumayo at sumunod kay Frank na bitbit ang dala niyang mga gamit.

"Ito po ang magiging kwarto niyo, Yaya. Feel at home po kayo, tandaan niyo pong bahay niyo narin ito." Saad nito sa ginang. "Maraming salamat iho." Pasalamat naman dito ni yaya Sonia.

"Ako po dapat ang magpasalamat sa inyo, sa pag-aruga at pagpapalaki niyo sa'kin. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo, Yaya." Seryoso nitong turan sa ginang. Bahagya naman siyang tinapik ng yaya niya sa balikat.

"Sige po, magpahinga na po muna kayo at tatawagin ko na lang kayo kapag handa na ang dinner." Anito bago niya iniwan ang ginang.

Agad pinuntahan ni Frank si Erica na naghahanda ng dinner nila. At napangiti ito ng makita niya ang dalagang abala sa ginagawang paghahanda ng pagkain para sa dinner nila.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon