Chapter 18

30.6K 876 15
                                    

NANG masiguro ni Frank na tulog na si Erica ay dahan-dahan itong bumangon sa kama nila. Napangiti ito ng makita niya ang mayapa ng natutulog na nobya.

"I'll be back before you wake up, baby." Anito na agad nagbihis ng damit. Nagsuot lang siya ng jeans at pinatungan niya ito ng t-shirt at jacket. Ng maisuot niya ang sapatos niya ay agad muli nitong nilapitan ang natutulog na si Erica at kinintalan niya ito ng halik sa noo bago siya lumabas ng silid nila.

"Boss, aalis po kayo?" Tanong ng isa sa mga taohan niya.

"Oo, pakihanda ang sasakyan at sasama kayong dalawa sa'kin." Saad niya dito. "Okey! Boss." Tugon nito na agad pumasok sa sasakyan ni Frank at inistart yun.

"Magbantay kayo dito sa labas habang wala ako, natutulog sa loob ang ma'am Erica niyo." Ma-autoridad nitong utos sa iba niyang mga taohang naroon.

"Yes! Boss."

Panabay na sagot ng mga ito. Si Frank naman ay agad sumakay sa kanyang kotse.

"Sa hospital tayo na pag-aari ng mga Guerrero." Anito sa kanyang taga maniho.

"Copy, Boss."

Makalipas lang ang ilang minuto nilang byahe ay agad nilang narating ang Guerrero Hospital(GH). Ngunit hindi pa man nakakababa ng sasakyan si Frank ng tumunog ang tawagan nito. Kaya agad niya itong dinukot mula sa bulsa ng pantalon niya at tiningnan.

"Vergara napatawag ka?" Bungad nito sa tumatawag ng makita nitong si Flake ang tumatawag. "Asshole, si Bunso may tumangay sa kanya. We need a help." Ani Flake na sa tantya ni Frank ay tumatakbo ito dahil hinihingal ang tuno ng pananalita nito.

"What?" Bigla nitong naibulalas. At ng makita niya ang isang van ay agad nito binalingan ang driver niya. "Hey, sundan mo yung white van." Ma-autoridad na utos ni Frank sa driver ng makita nito ang van na paalis. Agad naman itong sumunod sa utos ng binata at habang nakasunod sila Frank sa van ay sinabi ni Frank kung saan ito patungo sa mga kaibigan.

"Wag mong hayaang makawala sa paningin mo ang van na yan." Utos ni Frank sa driver niya. "Yes, Boss." Pagtalima nito sa utos ni Frank.

Agad na tumawag si Frank ng police na magiging back-up nila sa pagsunod sa tumangay kay AD.

"Murillo, napatawag ka?" Bungad sa kanya ng tinawagan niya.

"Almonte, nasaan ka ngayon?" Mabilis nitong tanong dito.

"Nandito pa sa opisina, bakit? May problema ba?" Ang nagtatakang tanong ng kausap niya.

"Men, we need a back-up. Ang girlfriend ng pinsan mong si Belmonte ay meron tumangay sa kanya sa loob ng ICU. Nakasunod kami ngayon sa van na sinasakyan ng mga tumangay dito. I'll send you the location." Anito na hindi na hinintay ang sagot ng kausap.

Makalipas lang ang ilang minutong pakikipaghabulan nila sa sasakyan ng mga tumangay kay Aslea Dennisse ay bigla itong nagpreno ng makorner na ang sasakyan nila. Kahit saan sila lulusot ay wala silang kawala dahil kaliwa't kanan ang mga sasakyang nakaharang sa dadaanan nila.

"Tinatawagan namin kung sino man kayong nasa loob ng van ay mas mainam na sumuko na lang kayo ng maayos." Anang police gamit ang megaphone. "Inuulit ko, kung sinu man kayong nasa loob ng sasakyan ay sumuko na kayo ng maayos." Pag-uulit pa ng police.

"Binibigyan namin kayo ng pagkakataon, sumuko na kayo ng maayos." Muling anang police.

"Inuulit ko_" hindi na natapos ang police sa pagsasalita ng agawin ni Yugene ang megaphone dito.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon