A

22.6K 490 139
                                    

A is for Asher

-----

"Coffee for Miguele!"

Tumayo na ako sa inookupa kong upuan dito sa coffee shop na pag-aari ng parents ng best friend kong si Ivana. She was supposed to meet me here an hour ago pero nakailang tanong na sa akin yung server nila kung oorder daw ba ako, wala pa sya. I have no choice but to get anything. Akala ko pa naman makakalibre ako. Bwisit ka Ivana. Pwede namang sa office nya ako maghintay, kaso bago kasi ang manager nila. She doesn't know me yet kaya kesa magpaliwanag pa ako kung sino ako ay dito na lang ako sa labas pumuwesto para mag-antay.

Lumapit ako sa counter at kinuha ang order ko. Frappe lang naman to dahil nagtitipid talaga ako. I want to buy something at hindi ko yun mabibili kung hindi ko pag-iipunan.

"Here's your order ma'am." nginitian ko naman yung nag-aabot ng order ko at nagpasalamat.

Naglalakad na ko pabalik sa usual table namin ng makita ko ang talipandas kong best friend na papasok pa lang sa pintuan nitong shop.

"Miggy!" sigaw nya at tumakbo papunta sa akin. Agad ko namang itinaas ang kaliwang kamay kong may hawak na frappe, baka matapon eh. Sayang din yung pinangbili ko.

Niyakap ako ni Ivana na para bang ilang taon kaming hindi nagkita.

"So, how's you?" tanong niya with her usual bubbly voice.

"Okay lang ako. Tanga ka ba?" natatawang sabi ko naman sa kanya.

"Sungit naman neto! May regla ba you?"

Naglakad na kami papunta dun sa upuan namin habang naguusap pa din.

"Wala. Pano ba naman kasi? Napakatagal mo! Isang oras mo kong pinag intay you bitch! Isang oras!" I hissed at her.

"Sorry na okay! Alam mo namang kapag Saturday lang umuuwi sina mommy, so I make sure na I get to spend more time with them as much as I can. Dami nilang dalang gifts! Punta ka sa bahay ah? Kunin mo yung mga sayo."

"So saang parte naman sila ng Pilipinas ngayon?"

"They're going to Romblon today. Actually hinatid ko sila sa airport kaya ako na late. Teka lang order muna ako. I'll go check the inventories ng shop na din. Mom told me so. Don't worry, sandali lang to then alis na tayo. Nandyan lang naman si manong sa labas. He'll drive for us since balak ko talaga maghopping ng madami today."

Tumayo na si Ivana at naglakad papunta sa counter. She talked to the girl in the order station first, probably stating what her order is, the tinuro nya yung table namin. Pumasok naman sya sa pinaka opisina ng shop pagkatapos.

Ivana Montenegro is my best friend since high school. Transfer student ako sa school nila noon, which was the highschool department of the current university we were stidying,scholar, nerdy and all. Walang gustong kumaibigan sakin dahil sa estado ko sa buhay. But Ivana, she's different. She befriended me and we became sisters from then on.

Kahit minumura mura ko yang si Ivana, walang kaso sa kanya yun. Sobrang close namin sa isa't isa na kulang na lang eh, sabay kaming maligo. Madalas ako makitulog sa kanila noon lalo na ng mamatay ang nanay ko at wala akong mapuntahan. Kulang na lang ampunin ako ng legal ng mga magulang nya, which they couldn't.

Sumandal ako sa sandalan ng inuupan ko ng may tumabig sa akin at naramdaman ko na lang na maligamgam na yung may bandang dibdib ko.

Putang. Ina.

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon