O

8.6K 264 80
                                    

Oo, yes, I like him

-----

"Yung 'Stay' na lang kaya ng Blackpink? Maganda din yun!"

"May lalaki tayong kagrupo Ivana, okay ka lang?"

"Eh wala na kong maisip. Miggy! Mag suggest ka naman!"

Nandito kami ngayon sa condo nina Asher. Na naman. Halos dito na kami tumira ni Ivana. Ayaw kaming pakawalan ni Demi. Sobrang clingy nya parang ngayon lang nakakakita ng tao.

"We need to think of a group na may boy ang girl members." Sabi ko na lang. Duh, sentido kumon.

"May alam ka bang ganun?"

"Kard ba yun? O Kards? Di ko masyadong kilala eh." Hindi siguradong sabi ni Demi.

"Ayan! Palibasa kasi puro boygroup ang pinanood mo!"

Si Demi kasi yung nautusang maghanap ng kanta. Sya lang naman kasi yung may pinakamadaming free time sa amin. Kami kasi ni Ivana, napunta pa kami sa café nila after school. Si Demi, derecho uwi. Sobrang strict sa kanya ni Timothy. Sabagay, may basehan naman. Gala kasi si Demi. Kung san san nakakarating kahit di nya alam kung pano pauwi. Yung dalawa naman, no comment. In short, walang kwenta utusan. Pinaghanap din namin ng kanta. Ang resulta? LSS na kaming lahat sa kinakanta ni Asher na Pow Paw Pey. Penguin daw yon na sumasayaw. Jusko po.

"Pow paw pey, have a happy day! One, two, three pengy dance with me!" Kahapon pa yan kinakanta ni Asher. Inis.

"Ang gwapo kasi ni Mingyu! Pati Hoshi!" Parang nag hugis puso yung mata ni Demi. "Ay! May concert sila dito sa Pinas! Sa October! Kaja!" Nae-excite nitong sabi.

Sobrang bilis pala maimpluwensyahan netong babaing to. K-pop na sya ngayon.

"Pinaghanap ka namin ng kanta Demi, hindi ng bagong pagkatao." Bored na sabi ni Jareth.

Hindi na nagsalita si Demi at nagpipindot na lang sa phone nya. Nagpatugtog sya ng korean song. Hindi ko maintindihan yung lyrics.

"Mianhe~ Saranghae~ I need you girl, wae? Honja saranghago, honja seoman ibyeolhae." Sinasabayan ni Asher yung kanta. Mahina lang yung boses nya pero rinig ko dahil magkatabi lang naman kami. He was playing a game on his phone.

"Marunong ka magkorean?" Tanong ko kay Asher. Madalas kasi syang gumamit ng words na hindi ko alam kung anong language. Ngayong kumakanta sya, mas nalinawan ako kung ano yon.

"Ne. Tumira ako sa korea for 5 years? I can't remember. Jeth, ilang years nga ako sa Korea?" Tanong ni Asher kay Jareth.

"Hmm, 5?"

"Omg, tumira ka sa Korea?" Excited na tanong ni Demi kay Asher. "Kelan? Why? Tell me about it!"

Napatulala si Asher. Para syang may naalala bigla. His face became stoic and blank.

"Akyat lang ako." Bigla syang tumayo at umakyat na papunta sa kwarto nya.

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon