Nn

6.8K 195 31
                                    

Nn

-----

Ivana Montenegro

"Ito Van? Gusto mo to?" Hope asked me as he waved three packs of double stuffed oreos in front of me. Nginitian ko sya. He knew I love oreos.

"Sure." Ngumiti sya bago nya iyon inilagay sa tulak nyang cart. Kinuha ko iyon bago ako nagpaalam sa kanya na ilalagay ko yung mga oreos sa cart nila Miggy. Sila yung bibili kasi dapat ng mga ganito. Kal, Hope and I were assigned to get raw foods since parehas kami marunong magluto tatlo.

Nagdecide ang grupo namin na mag-camping sa gubat ng isla since wala na talaga kaming magawa rito. We already did water and air sports. We ate at almost all the restaurant near the hotel at kahit iyong mga nasa downtown. Nalaro na namin lahat ng games sa mini arcade ng hotel. Na-try na namin lahat ng pools. Nauubusan na talaga kami ng option sa kung ano bang pwede pa naming gawin. Nabanggit ng isang staff na pwede raw namin i-try ang camping sa gubat malapit sa paanan ng bundok sa kabilang side ng isla. Pumayag agad kami syempre. Kesa naman maburo kami sa hotel.

After namin magkasundo ay dumiretso kami agad dito sa supermarket. Nagulat nga ako kasi bakit may super market dito eh. At hindi sya yung maliit lang na parang convenience store. Super market talaga. Nang tanungin ni Storm kung hindi raw ba nalulugi yung super market, sinabi ni Winter na dito naman kinukuha lahat ng kailangan sa hotel kaya hindi. Yung mga libreng toothbrush, sabon, shampoo at kung ano ano pang libre sa hotel ay sa super market daw talaga kinukuha. Bale, dito ibinabagsak lahat ng supply na dumarating sa isla. Nagdesisyon lang sila na gawing open para sa mga guest para makapili sila ng mga gusto nila na wala sa hotel. Nalaman namin na dito rin pala bumibili sina Hope nung mga snacks na pinapakain nila samin kapag nagkukulong na kaming mga babae sa kwarto ng isa samin tuwing gabi.

"Ito na nga lang kasi. Mas masarap to." Narinig kong sabi ni Asher. "Tsaka di ba kayong mga babae mahilig kayo sa chocolate?"

"Luh. Not me. Strawberry flavor na lang." Sabi naman ni Miggy.

Miggy and Asher, I could say they were now really really close.

"Hindi halata. Kaya pala halos lahat ng ipinabili mong pagkain strawberry flavored." Sabi ni Asher bago sya nagpout. Lumapit ako sa kanila. "Ivana itong best friend mo oh! Ayaw ako pagbigyan!"

Napatingin ako sa cart nila ni Miggy. Puro strawberry flavored nga! Merong crackers, knick-knacks, peppero, dewy donut at malalaking box ng dutch milk. Hula ko si Miggy pumili nyan lahat. The thing was, favorite ni Miggy yung stawberry flavor but she doesn't​ really like the actual strawberry fruit. Magulo talaga yang babaeng yan. Baligtad sila ni Kal. Ayaw ni Kal nung mga pagkaing strawberry flavored but he loves the fruit. Pinag-awayan pa nila yan nung isang araw. Buti na lang hindi sila yung na-assign na bumili ng tsitsirya pati walang tsitsirya ang strawberry flavored.

Bumuntong hininga si Miggy.

"Sigi na nga. But just this once! Ayakong habang nasa camp site tayo maging hyper ka dahil nakakain ka ng matamis. Itatali kita sa pinakamalapit ng puno pag ganon." My best friend said.

"Yey!" Parang batang sigaw ni Asher. Agad syang kumuha nung chocolate flavored na stick-o bago yon inilagay sa cart nila. He hopped his way through the isle bago sya nawala nang lumiko sya pakaliwa. He was problably searching for anything he could also buy. Napailing na lang kami ni Miggy. Inilagay ko yung mga pack ng oreo sa cart nila. Vanilla flavored ang mga binili namin ni Hope. Buti na lang kasi panigurado umay kami sa strawberry dahil sa mga bibilhin nila Miggy

"Sometimes napapaisip ako if I got a hot boyfriend or an innocent son. When it comes to Asher, he's either side of the spectrum. There's no in between." Miggy said with a smile. Her eyes were sparkling like always when it comes to Asher. She's really deeply in love with him.

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon