Cc

7.1K 235 27
                                    

I would like to dedicate this chapter to my super friend! She doesn't have a wattpad account but I still want to give her a dedication. She just got back to school and I'm so happy she can go to college now. Monster! I know I've already said how happy I am for you and I will never get tired of supporting you! I love you Monster!  💕 I always got your back! 😊💕

-----

Cc

-----

"Hi Miguele."

"Miggy, hey."

"Astig mo Hizon!"

People around campus were greeting me. Pagkatapos ng eksena ni Nia nung isang araw, feeling close na sakin yung mga schoolmates ko. Ayos lang naman kaso medyo naiinis lang ako. Ang plastik lang kasi tingnan. Biglang gusto na nila ako. Porkit nakita nilang close talaga ako kina Asher. Dagdag pang ayako naman talaga ng atensyon. Pero hindi pa naman ako nagsusungit sa kanila. Hinahayaan ko na lang. Basta wag lang nila kong lalapitan or kakausapin. Binabati lang naman nila ako. Okay lang din sa naman yata sa kanila kahit di ko sila binabati pabalik. Di ko nga sila pinapansin eh. Bahala sila sa mga buhay nila.

Derecho lang akong naglakad papunta sa classroom ko. Nakasalubong ko si Kal sa hallway, buhat buhat nya si Jasper. I greeted Jasper and the kid gave me a kiss on the cheek. Sobrang kyuti ng batang to. Nag-volunteer na si Kal na ihatid ako. Kahit hindi naman ako pumayag, magpupumilit to. Mga ayaw patalo eh.

"Kamusta naman maging hottest couple in the campus?" Tanong nya sakin habang buhat buhat si Jasper. Napapatingin samin yung ibang studyante, particularly at Jasper.

"Don't get started." Pataray kong sabi sa kanya. Alam naman kasing isa pa sa ikina-iinis ko ay ang mga taong parang lagi na lang nakasubaybay samin ni Asher. I mean, bakit? Hindi naman kami artista. Kung ano man ang mangyari sa relasyon namin ni Asher, hindi na dapat yon importante sa kanila.

"HAHAHAHAHAHA. Ikaw naman Miggy, chill. Natutuwa lang yung mga schoolmates natin sa inyong dalawa ni Asher." Kal said.

"Ita Miggu tsil!" Sabi ni Jasper. He's still baby talks. Sobrang baby pa talaga kasi. Kiniliti ko si Jasper ng konti. Humagikhik yung bata.

"Hindi naman kami entertainers." Sabi ko habang kinikiliti pa din si Jasper.

"Sinabi ko ba?"

Sinikmuraan ko si Kal dahil sa sinabi nya.

"Aray!" Napatingin samin yung ibang mga nakakasalubong namin. But I'm thankful kasi di naman malisyoso yung mga tingin nila. More of amusement. Tsaka hindi naman ako yung sentro ng mga tingin nila. They were mainly looking at Jasper. I even heard some saying Jasper was very handsome.

"Bakit ka nga pala nandito? Wala ka nang pasok ah?" Tanong ko. "At dinala mo pa yung bata."

Yung mga graduating kasi ay mga wala nang pasok. Nakapag final exams na din sila kahit may one month pa naman na bago matapos ang term. Nauuna talaga kapag graduating. Ang dahilan ng university, madaming papers na kailangan asikasuhin ang mga graduating. Magpe-prepare pa sila para mag-apply, etc.

"Kukunin ko papers namin ni T. Hinihingi na kasi ng mga magulang namin para maipasa na nila sa HR yung mga requirements namin at mabigyan kami ng tamang posisyon sa company. Kasama ko nga dapat yun eh. Kaso ayon, nabad trip na naman. Si Demi kasi. Tsk. Umalis kasi sina Jareth. Alam mo na, training. Di ko naman maiwan sa kanilang dalawa tong si Jasper. Baka mapagbuntunan ni T ng inis nya. Hindi naman yun nananakit ng bata pero buti na yung sure."

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon