Jj

7.2K 222 41
                                    

Jj

-----

Asher Ruiz

"Demi, san si bansot?"

Di ako pinansin ni Demi. Nilampasan nya lang ako. Impakta talaga! Bakit ba sa lahat ng pwede kong makasalubong sya pa? Kanina ko pa hinahanap yung girlfriend kong makulit. Nagtatago yata talaga. Palibasa may kasalanan sakin. Iniwan ko lang para magpalit ng pang swimming, aba! Nakabikini na pag labas. Hayop na si Demi kasi kung ano anong tinuturo kay bansot.

Hindi ko tuloy masyadong na-enjoy yung pool. Naglalaro kami kanina pero yung atensyon ko na kay Athena pa rin. Bakit kasi naka two piece! Parang mga shunga. Si Winter nga nabatukan ni Storm eh. Si Demi lang di napigil ni kuya T kasi maghahalo ang balat sa tinalupan. Parehas pa naman silang astig. Pag nag-aaway nga yong dalwang yon sa condo tahimik lang kami eh. Lumalayo kami sa war zone.

Hindi ko talaga mahanap si Athena kaya nagdesisyon na akong puntahan sya sa kwarto nya. Hindi ako nahirapan hanapin. Nasa iisang floor lang kasi kami. Alangan namang malito pa ko sobrang tanga ko na pag ganon. Kinatok ko yung pinto nya.

"Bansot! Labas dyan! Alam ko nasa loob ka!"

Kahit hindi ko pa nakikita, alam ko nasa loob si Athena. Ewan ko. Ramdam ko lang. Ganon talaga siguro kapag nakatadhana kayo sa isa't isa. Hi-hi.

Ilang saglit akong nag-antay pero di pa rin nya ako pinapagbuksan ng pinto. I heard a faint sound, like a moan, coming from her room.

"Athena!" Kinakabahang tawag ko sa kanya. Kinatok ko ng paulit ulit yung pinto nya. "Shit!" Panic mode na ko. Baka napano na to!

"Kuya! What's happening?" Lumabas si Winter mula sa kwarto nila ni Storm. Ang daya nga eh, sila pwedeng magkasama sa room tapos kami ni bansot hindi pwede.

"Paki-kuha naman ng master key, Wints. May nangyari yata kay ate mo." Natataranta kong sabi. Nataranta rin si Winter. Nagtatakbo sya para maghanap ng staff nitong hotel. Patuloy lang ako sa pagkatok.

"Athena!" Sigaw ko.

"Ashh--er." I heard her say mula sa loob. Oh, god. Ano bang nangyari?

Hindi nagtagal ay may lumapit na babaing nakauniform sa amin. Kasunod nya si Winter. Yung babae na yung nagbukas ng pinto. Agad akong pumasok sa loob.

I saw Athena lying on her bed in fetal position. Nakatakip sa lower body nya yung kumot na puti. Nilapitan ko sya. Naupo ako sa kama. Pinunasan ko yung noo nya kasi basang basa na ng pawis. She just kept on groaning. Putangina! Ano bang nangyari kasi! Was she sick?

"Hey, babe. Tell me what happened." Bulong ko sa kanya. I noticed she was also shivering. Hindi naman masyadong malamig dito sa loob.

"Kuya, what's happening?" Narinig kong tanong ni Winter. I couldn't answer her kasi hindi ko rin alam.

"Masakit Asher." Athena said. Tinanggal ko yung kumot nya. She was holding on to her belly. Sa may puson na part.

"Oh my god, first day mo ate?" Winter asked Athena. Lumapit na din sya. Athena just nodded. Yun lang pala! Putangina. Halos panawan ako ng ulirat dito, regla lang pala.

Tumayo ako at nakita kong puro dugo na yung kama nya. Tsk. Nagkalat na si ineng.

"Do you have extra pads Winter?" Athena asked. Halatang nasasaktan sya talaga kasi hirap sya magsalita. Gano ba kasakit reglahin? Parang hindi naman ganito si ate dati. Nananakal lang yon madalas.

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon