Epilogue

14.6K 326 142
                                    

Epilogue

-----

Athena Miguele Hizon

"Why was he not answering his phone?" Napatanong ako ng mahina sa sarili ko. 30 minutes na ang nakalipas nang matapos ang huling klase ko ngayong araw. Walang pasok sina Asher. But he was supposed to pick me up. May usapan kaming mga babae na magmo-movie marathon kami sa condo unit ng mga puto.

Tatlong beses ko pa syang sinubukang tawagan pero wala talaga. His phone was ringing. Pero hindi nya sinasagot. Kinabahan ako bigla. May nangyari kaya?

Nagulat ako nang biglang magring ang phone ko. I expected the caller to be Asher pero nadissapoint lang ako nang makitang si Demi yung tumatawag sakin. Sinagot ko yung tawag.

"Demi, bakit?" I asked.

"Miggy! Nasaan ka ngayon?"

Nagtaka ako sa tanong ni Demi.

"Nasa school pa ako. Bakit? Inaantay ko pa si Asher. Hindi sya sumasagot sa mga tawag ko eh. Tatawag na lang ako ng uber para makapunta na ko dyan sa inyo." Muka naman kasing may ginagawa si Asher. Kung ano man yon, bahala sya.

"Sa mall ka na dumirecho! Bilisan mo Miggy!"

Kinabahan ako ng konti. Para kasing nagpapanic si Demi sa kabilang linya. Mukang hinihingal din sya at tumatakbo. Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon?

"Bakit? May ipapabili ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala! Nandito kaming lahat. Lumabas kasi si Jareth at Jasper kanina. Gustong ipasyal ni Jareth yung bata. Tapos tumawag na lang tong si Jareth sa bahay sinabing nawawala daw si Jasper. Naiwala nya sa mall. Napaka tanga talaga ng lalaking yon. Pumunta ka na dito Miggy. We need all the help we could get!" Pagkasabi non ni Demi ay namatay agad agad yung tawag.

Nanlamig ako. Si Jasper nawawala? Masasakal ko si Jareth! Hindi man lang inintindi yung anak nya!

Nagtatakbo ako papalabas ng school at agad pumara ng taxi. Nagpahatid ako sa mall. Makalipas ang tatlumpung minuto ay nakarating din naman agad ako. Tumakbo ako papasok at tinawagan si Demi.

"Demi! Nandito na ako. Nasan kayo?"

"Nasa second floor kami. Dyan ka na maghanap sa first floor Miggy. Itry mo dun sa may maliit na stage. Dun sa pinapagdausan ng mga event. Wala pang naghahanap dun eh."

Pinatay ko na agad yung tawag bago ako tumakbo sa timutukoy na lugar ni Demi. Alam ko naman kung saan. Dun yon sa may gitna ng mall na may malawak na space. Minsan may tinatayong maliit na stage doon para sa mga events.

Nakarating ako agad sa lugar na tinutukoy ni Demi. Nagpalinga linga ako. Mukang may gaganaping event dito ngayon. May nakaset up kasing stage na punung puno ng bulaklak yung harapan tapos may mga petals ng bulaklak sa sahig. Naapakan na nga nung ibang tao eh. Hindi ko mahulaan kung para saan yung event na gaganapin dahil simple lang yung ayos nung lugar. Bukod sa mga bulaklak ay wala namang nakalagay sa stage kung para saan yung event.

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon