K

8.3K 290 66
                                    

Killer Female

-----

Tuesday ng umaga. May klase akong pang 8. Maaga akong nagising at naligo. Bumaba ako para sana magbreakfast ng mabilis nang hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Senator was here and breakfast was just being served. Nakaupo na sya sa dining table kasama si tita Ynes.

"Athena." I scoffed. Ayakong tinatawag nya akong Athena. "Honey, join us for breakfast. Please." Senator said with pleading eyes.

"Kapag ba sumabay akong kumain sayo ngayon hindi ka na babalik dito?" Tanong ko sa kanya. Bumakas ang pagkagulat sa kanyang muka. Bakit hindi? This was the first time I said a word infront of him. Unang nakabawi si tita Ynes.

"Miguele!" Saway nya sa akin. Ano pa nga bang bago? Wala naman yang ginawa kundi pagmukain akong masama sa harap ni senator.

"Athena I--"

"Okay." Putol ko sa pagsasalita nya. "I'll eat." Tinungo ko ang upuan sa kaliwang side nya. Kaharap ko si tita Ynes.

Nagsimula na akong maglagay ng pagkain sa plato ko. Kumain na din ako ng hindi nag-aangat ng tingin. Nakatingin pa din sya sakin na parang hindi makapaniwala.

I was not eating to please him. I was having a meal with him because I'm using his money. Hindi kasi ako makasabay kina Asher madalas. Kapag lumalabas kasi kami ay sa mga mamahaling kainan at lugar sila nagpupunta. Ayako namang gamitin ang sarili kong pera. Mababawasan ang ipon ko. Kaya naman ginamit ko na yung card na binigay sakin ni mommy Soledad. Ayon ang ginagamit ko madalas. Ipinagpalagay ko na lang na bayad ang breakfast na ito. Ayakong madagdagan pa ang utang na loob ko kay senator. Let's just say, binili nya ang pagsabay ko sa kanya sa pagkain.

Hindi nagtagal ay bumaba na si Bonnie. Hindi ko alam kung nasaan ang kanyang kapatid.

"Good morning tito." Nakangiti nyang bati kay senator. "Oh, hi Miguele. Himala at sumabay kang magbreakfast." Nakataas kilay nyang sabi habang umuupo.

Hindi ko sya pinansin. Patuloy lang ako sa pagkain. Tanging silang tatlo na lamang ang nag-uusap.

"You know that huge conglomerate tito?" Tanong ni Bonnie kay senator. Bahagya akong napatigil sa pagkain. May idea ako kung saan hahantong ang pagtatanong nya. "The one called Zero?"

"Yes. The Fortalejo's were my friends. Why iha?"

"Wala naman po." Ngumiti si Bonnie ng matamis. Parang gusto ko syang budburan ng kape at ilubog sa mainit na tubig para timplahin.

"Oh, tito! Friends si Miguele sa kanila. Dun sa mga anak nung may ari ng Zero!" Masiglang bati ni Bonnie.

"Really, Athena?" I was aware that senator was talking to me. Hindi ko din sya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. "Well, that's great! They're all good people. Masaya akong malaman na maayos naman pala ang mga naging kaibigan mo, anak." I dropped my spoon and fork.

He dared call me 'anak'.

K.

Nagpatuloy ako sa pagkain.

"I was just wondering tito, if you could ask Miguele to introduce me to them. You know, para safe din maging friends ko?" Sabi ni Bonnie na ikinataas ng kilay ko habang pinipiraso ko yung bacon. Hindi ako umimik.

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon