Hh

6.7K 205 12
                                    

Hh

-----

Kal Verano

"Wow! Ang pretty naman dito!" Parang batang sigaw ni Starr. Nanguna na sya sa pagtakbo papunta sa pool area. Naiiling naman na sinundan sya ni Ivana at Miggy. Kunyari pa yung dalawa eh halata namang excited din silang maglangoy.

Hindi na sumunod sa kanila sina Demi at Winter. Sa pamilya naman kasi nila tong resort. Malamang sanay na sila dito sa lugar.

Dumirecho kami sa lounge at umupo muna. Si Winter na ang nag asikaso sa mga rooms namin.

"Mga kuya, I got the keys na. Sa fifth floor po tayo."

Tumayo na kami. Binitbit namin yung mga bagahe namin. Hindi na kami nag-utos sa mga bellboy nila gaya ng gusto ni Demi. Kaya naman namin.

We got ten rooms in total. Almost half ng fifth floor dahil ang alam ko twenty five rooms per floor dito. Malaki naman kasi talaga tong resort/hotel ng mga Montellado. They own the island too. Sabi pa ni Winter, the penthouse which was on the sixth floor was like our condo unit. Buong sixth floor ang sakop non at may sari-sarili silang kwarto magpipinsan.

Pumasok na kami sa sari-sarili naming kwarto. Kinuha ko din ng sariling kwarto nya si Starr. Alangan namang itabi ko yun sakin.

Pagkatapos kong ilapag ang maleta ko at bag ni Starr ay lumabas na ako ulit. Pupuntahan ko yung iba para tingnan kung okay sila.

Nakasalubong ko si Asher. Nagdadabog si bugok.

"Hyung!" Sigaw nya.

"Bakit?"

"Bakit magkahiwalay kami ni Athena ng kwarto? Tapos sina Storm at kuya T pwedeng kasama yung mga babae nila! Ba't ako di pwede?" Pagmamaktol ni Asher.

Lumabas si Caspian. Nasa tapat kasi kami ng kwarto nya. I was about to check on him kaya ko nakasalubong si Asher.

"Kasi, bugok." Sabi ni Caspian bago binatukan si Asher. "Asawa nila yung mga babae nila. Ikaw atat ka kay Miggy talaga eh no. Puro ka kalandian. Manahimik ka dyan kung ayaw mong pagmumugin kita ng sarili mong dirty water."

Pumasok ulit si Caspian sa kwarto nya. Wala pa yata syang balak lumabas. Tumalikod na si Asher at nagdadabog pa din na umalis. Hinanap ko naman yung iba. I will also check them up. Si Jareth ay naabutan kong inaayos sa tokador yung mga gamit nila ni Jasper while the kid was still sleeping. Kanina pa sa coaster nakatulog si Jasper. Napagod yata sa byahe. Si Timothy, ayun. Tulog na. Lumabas na ako at dumirecho sa gazebo kung nasan sina Asher at Hope. Umupo ako at tinanaw din yung mga babae nasa beach na at gumagawa na ng sand castle. Panigurado si Starr pasimuno nyan. Si Winter yung pinakabata talaga sa kanila pero si Starr pa yung mahilig gumawa ng kalokohan.

I sighed. It makes me calm knowing what the six boys were doing. Mas panatag ako kung alam ko kung nasaan sila at anong mga ginagawa nila. Medyo lumalakas kasi ang pagkaparanoid ko kapag hindi ko alam kung anong ginagawa nila or kung nasaan sila.

My paranoia started many years ago. Nung nakidnapp si Asher. Akala nila si Asher lang naapektuhan. What they didn't know was, ako din. Sinisi ko ang sarili ko noon. I was eight that time. Ako yung pinakamatanda. I can still remember what happened like it was yesterday.

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon