N

8.5K 267 34
                                    

Nice boyfriend

-----

My phone beeped. May nagtext.

_______________________________________

     <                      Asher Ruiz                  ®
-------------------------------------------------------------

Nandito na ko.

K.
-------------------------------------------------------------

Dinampot ko ang backpack ko at lumabas na. Pagkalabas ko sa mansyon ay ang kotse agad ni Asher ang bumungad sa akin. Sumakay ako sa passenger seat sa unahan. Hindi naman ako umaasang pagbubuksan ako ni Asher ng pinto. Chivalry is dead kung si Asher ang paguusapan. Kung ako magbubukas ng pinto para sa kanya pwede pa. Tsaka mainit. Maarte si Asher. Ayaw nya ng naiinitan. Nagta-tantrums pag binabanas. Kala mo talaga three-year old. Todo nga ang aircon sa loob ng kotse eh. May hamog na sa bintana.

"Hi ate Miggy!" Winter greeted me. Nakaupo sila ni Storm sa backseat. I greeted her back with a simple 'hello'. Nagtanguan lang kami ni Storm.

Storm and Winter usually rides with Hope or Kal. Hindi pa kasi talaga pwede magdrive si Storm though may lisensya na sya. He's only 19. Though legal age na, mas gusto nilang pag 29 years old tsaka na payagan magdrive. Para namang ang laking difference non eh.

Nalaman ko habang naguusap kami ni Demi sa condo nila the other day, that Storm was only 16 while Winter was 15 when they got married. Nagpunta sila sa ibang bansa para maikasal yung dalawa kahit wala pa sa legal age. Nakalimutan ko na kung saan yon. Wala naman akong balak pumunta don eh. The reason for the very early rushed wedding was still a mystery to me.

"Nagbreakfast ka na ba?" Tanong sakin ni Asher nung nasa main road na kami.

"Hindi pa."

"Okay. Daan tayong jollibee." He said as he continued to drive. "Di ka pa naman late di ba Wints?" Asher asked Winter.

"Hindi pa naman po kuya." Magalang na sabi ni Winter.

Pinanindigan na talaga ni Asher yung sinabi nya na girlfriend nya ako. Hindi ko sya maitama kasi, pano ba. Hindi naman nya exactly pinakalat na kami. He would just do stuff na sa tingin ko ay ginagawa lang ng lalaki para sa mga girlfriend nila. Like fetching me from the house and buying me breakfast. Hindi pa naman kasi talaga namin napagusapan. Basta naging ganito na lang bigla yung set up namin. Hindi na ko nagreklamo kasi, number one: tipid sa pamasahe at air-conditioned ang sundo ko, number two: ang lambot ng upuan ng kotse nya and number three: I always get the chance to be with him which was very convenient dahil sa trabaho ko sa kanya.

After dumaan sa drive thru ay dumirecho na kami sa school. Sa gate B kami dumaan. Gate A a.k.a main gate ay para sa mga studyanteng walang sasakyan at sa mga professor at kahit sinong nagtatrabaho sa school. Mga sasakyan lang nila ang pwedeng dumaan don. Gate B was for students na may cars. Gaya nina Asher.

Tumigil kami saglit at ibinaba ko ang bintana sa side ko para makita nung guard yung mga ID namin. After checking ay pinapasok na din ang kotse ni Asher. Idinerecho nya ito sa parking lot. Nagsibabaan na kami pagkatapos. Rinig ko na agad yung mga bulungan.

"Sabi ko na sayo eh! Sila na ni Asher."

"Cinderella ang peg ng scholar."

Cinderella my ass. Mas mayaman pa ako sa inyo mga ulol.

Dala ni Asher yung mga kalat ko. Ang arte arte ayaw makalatan yung sasakyan nya. Itinapon nya yon sa nadaanan naming trash can. Nauna nang humiwalay yung dalawa. Ihahatid yata ni Storm si Winter sa high school department. Nagtataka ako bakit hindi pa humihiwalay sakin si Asher nung maalala kong classmate ko nga pala sya sa major subject ko. Nakasalubong namin sina Demi at Ivana sa daan kaya sumbay na sila samin maglakad. Friends na din sila at shopping buddies. Eeww. Classmate din namin si Demi at kakatransfer nya lang. Sinamahan pala sya nung pito mag-enroll nung araw na nagkausap sila ni Bonnie.

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon