Dd

7K 250 63
                                    

Dd

-----

"Ma'am Miguele, nasa baba na po yung kotse. Kayo na lang po ang iniintay."

"Sige po, manang. Pababa na po ako."

I zipped my bag close. Dala ko lahat ng school materials ko.

Kagabi, tinawagan ako ni mommy Soledad. She was crying. She begged me to stay with her for the mean time. Habang hindi pa masyadong maayos lahat. Kahapon, someone posted an article about me being senator's illegitimate daughter. Kumpleto yung article. From me being a product of a mistake by a maid and her employer. Pati yung engagement nina Asher at Nia na 'sinabotahe' ko daw. While I was bawling my eyes out last night, pinagppyestahan ako ng mga tao sa social media. There we pictures of me from our university's portal. Stolen pictures of me and Asher and the rest of pitong puto. Meron din nung mga pictures namin ni Asher na magkasama kami sa mall, the day we went out to buy Winter a gift. Merong kaming dalawa lang ni Kal yung magkasama sa mall sa loob ng computer parts store. Parang pinapalabas pa na may something kami ni Kal. Marami pang iba. Kung saan nanggaling ang mga iyon, hindi ko alam. But I have an idea who did that.

Nia. And Bonnie.

Silang dalawa lang naiisip kong nakagawa nito. Nia has the motive, Bonnie has the info.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Pagdating ko sa sala, sinalubong ako ni tita Ynes.

She slapped me. Hard. I felt my cheek stung.

"Wag mong kakalimutang may utang ka pa sakin. Kung gusto mong makuha ang nanay mo, wag mong kakalimutan."

Hindi ko sya sinagot at naglakad ako palabas. Yun ang gusto kong makuha kay tita Ynes. My nanay's ashes. Pina cremate ang labí ng nanay ko at tinatago ni tita Ynes ang urn nya. Ayaw ibigay sakin. I've been paying her for years already. Hindi ko ma-satisfy ang uhaw nya sa pera.

Sumakay na ako sa kotseng nakalaan para sa akin na nakatigil sa drive way. May kotseng itim sa unahan at meron din sa likod. Dumami ang security escorts ko ng biglaan.

Nasabi ko na bang mayaman din si mommy Soledad? She's from an old rich family. Idagdag pa ang yaman at government position ni senator. Perfect sources para sa breakout news. Gustong gusto ng media ang kahit anong scandal regarding people of the high societies. Idagdag pa na konektado din ako kina Asher. People around me screams riches and high social strata. Kaya siguro nadagdagan ang SE ko.

Pagdating ng convoy namin sa gate ng subdivision, flashes of camera can be seen all over the place. People holding their phones up flocked around our cars. Kailangan pang tumulog ng mga security ng subdivision mismo para makadaan kami ng ayos. I sighed. Ayako ng ganito. I was pulled out of my trance when my phone rang.

Asher was calling me. Pinatay ko ang tawag nya. I texted him instead.
_______________________________________
     <                  Asher Ruiz 💕         ®
-------------------------------------------------------------

I'm in the car. Papunta ako kina mommy.

I want to see you. 😑😣

Sorry. We can't help it. Pupunta naman ako dyan sayo kapag medyo ayos na.

Kingina talaga non ni Nia. Hindi ka pa din pala tinigilan. Dapat sa condo ka na talaga umuwi kahapon eh. Sobrang galit si Demi. Umalis sila ni kuya T. Pupunta sa bahay nung lola Montellado nila.

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon