L

8.2K 247 12
                                    

Luka luka meets Athena

-----

Hope Tuason

Maaga pa lang ay gising na kaming mga lalake dito sa bahay. Hindi ko alam kung bakit pero simula nung lumipat dito si Demi ay palagi na kaming alerto. Sina Timothy at Asher lang yata hindi naapektuhan sa babaing yun. Palibasa si Timothy, yung fiance nya, wala talagang pakialam sa mundo basta wag din pakialaman ang tulog nya. Tapos yung isa naman, si Asher, sabog parati hindi na tumino.

"Hope, nandito si Miguele?" Tanong sa akin ni kuya Kal. Kakalabas nya lang ng kwarto nya. Pero ano daw? Nadito si Miguele? Eh alas singko pa lang ng umaga? Wala namang pasok.

"Ewan ko. Sino may sabi?"

"Ayun sapatos ni Miguele sa sapatusan oh. Wala din dyan yung tsinelas na ginagamit nya pag andito sya." Tiningnan ko yung tinuro ni kuya Kal. Tama nga sya. Yung kay Ivana lang yung nandon. Sobrang dalas kasi nung dalawa na yon dito sa bahay nung nakaraan dahil kay Winter. Sabik sa kaibigan kasi yung si Winter eh kaya palaging gusto nakadikit kina Miggy pag may pagkakataon.

"Nakita ko kanina nung lumabas ako." Maaga talaga nagigising si kuya Kal para pakainin yung ligaw na tuta na nasa baba ng building. Ampon yon ni Winter hindi lang namin maipasok dito sa loob dahil no pets allowed dito. Isa pa, may kasama kaming hikain.

Pero nandito si Miguele? Gera yan pag nakita ni Demi yon panigurado. Si Demi kasi senyorita kailangan pag tinaasan ka ng kilay papansinin mo dapat eh palibasa sanay na nasa kanya parati yung atensyon. Eh yung si Miguele naman walang pakialam sa mundo lalagpasan ka lang nun na parang hangin pag di ka nya kilala.

Natigil kami sa pag-uusap nang lumabas yung luka luka sa kwarto nila ni kuya Timothy. Pumunta ito sa kusina. Ilang saglit pa ay lumabas ito sa kusina at dumirecho dito sa sala. Kami pa lang ni kuya Kal yung nandito. Baka tulog pa yung iba o kaya ay gising na pero nagkukulong sa mga kwarto nila.

May dalang baso ng tubig si Demi at uminom doon. Sandaling kumunot ang noo nya at nagpalinga-linga sa paligid.

"May ibang babae dito sa bahay." Bulalas nito habang nakatingin sa sofa. Anudaw? Pano nya nalaman?

"Anong pinagsasasabi mo?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Hindi nya pwedeng malaman na nandito si Miguele. Magkakagulo pag nagkaharap yung dalawa. Ayaw pa naman ni Demi magpaawat. Tapos si Miguele hahayaan ka lang sa kaartehan mo. Pag hinayaan lang ni Miguele si Demi maginarte mas magagalit si Demi. Mas gusto nan yung pinapansin kaartehan nya eh. Tas pag pinansin mo naman magagalit. Sobrang gulo ng people.

Tinaasan ako ni Demi ng kilay. "Bingi ka ba? Kailangan ulitin ko sarili ko? Ilang beses dapat bago maproseso ng utak mo?"

Pakiramdam ko pinagpapawisan ako kahit aircon naman dito sa buong unit namin. Hindi na ako sumagot kaya inirapan nya ako.

"May ibang babae dito, I'm sure about it!"

Tumakbo pabalik sa kwarto nila si Demi at isinara ng malakas ang pinto. Paano kaya nakakatulog si kuya Timothy? Kawawa naman ang kuya kong maputla.

"Problema nun?" Nagtatakang tanong ni kuya Kal. Nagkibit balikat na lang ako.

Binuksan ko yung t.v at nanood na lang. Si kuya Kal naman dumirecho na sa kusina.

Ilang saglit pa ay pababa na ng hagdan si Miguele. Nakasuot sya ng pink na t-shirt na ginupit ang manggas tapos maong shorts. Nasisilaw ako sa legs nya.

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon