V

7.9K 244 39
                                    

Vutangina nyooooo

-----

Asher Ruiz

"Aray kuya! Aray!" Sigaw ni Jareth habang hawak ni kuya Kal yung tenga nya. Pumasok kami lahat sa kwarto ni Jareth. Naiwan sa baba yung mga babae kasama yung anak ng magaling.

Hindi natuloy yung drama kong paglalayas. Inagawan ako ni Jareth ng spotlight! Putanginang to. Mamimili na nga lang ng araw na magpapasabog kasabay pa ng sa akin. Best actor na sana me.

Inupo ni kuya Kal si Jareth sa kahoy nyang upuan na partner ng study table nyang hindi naman nagagamit pangstudy. Asa pa dyan kay Jeth. Nasa kanan nya si kuya Kal, sa kaliwa naman si kuya Caspian. Nagpunta sa likod si kuya Timothy. Hindi pa din umaalis sa tabi ko si kuya Hope. Sasapakin daw nya ako the moment I will make a move. Ulol.

"Pakipaliwanag kung sino ang batang yon!" Galit na galit na sabi ni mama bear from the right corner. Namumula na yung leeg at tenga nya kanina pa.

"Hyung, nasasaktan na si Jareth." Sabi ko kay mama bear.

"Masasaktan ka din kapag hindi ka tumigil!" From the left corner naman na sigaw ni papa bear. "Kayong dalawa, gagawa na lang kayo ng eksena, sabay pa! Ibang klase! Kambal nga yata kayo. Kambal na masamang balita!"

"Ay grabe sya."

"Manahimik ka muna Asher. Mamaya ka samin tamo." Sabi ni mama bear. Natahimik ako. Hindi naman sya ganyan kagalit kanina. Hindi pa sya grizzly bear mode. Kaya nga nakuha ko pa managot eh. Alam ko kasing pagpapasensyahan pa ako. Pero etong si Jareth na tanga, hindi na yata kayang pagpasensyahan ni kuya. Stress!

"Explanation! Now!" Sigaw ni papa bear. Mas matanda si kuya Kal pero mas nakakatakot magalit si kuya Caspian. Masakit na magsalita, masakit pa manapak. Pero pinakanakakatakot talaga si kuya Timothy magalit. Nambabalya amputa. Derecho sakal. Walang usap usap. Papaslangin ka muna bago ka hahayaang magpaliwanag. Alam ko dahil well, based on experience.

Dati kasi, highschool pa lang kami nina Jareth tapos college na sila, may teacher akong trip na trip ako. Si tanso. Lagi akong pinapagalitan at pinapansin. Hinayaan ko na lang kasi malay ko ba baka crush ako. Eh tangina neto ni Jereth na ungas, nagsumbong kay kuya T. Paguwi ko sa bahay sinalubong ako tapos ibinalya ako sa pader. Sabi nya sakin and I quote; "Tangina mo hindi mo palagan yung teacher mong gago nagpapa-api ka akala mo naman talaga!" Binugbog ako ni kuya T non. Walang pumigil sa kanya kasi nga, sya yung boss. Isang linggo ako hindi nakapasok kasi putangina nyan si kuya binalian talaga ako. Pero buti na lang absent ako kasi si kuya T, pinuntahan yung teacher ko. Inihampas nya din sa pader. Joke lang. Kinausap nya. Nginig si Tanso. Kasama nya pa si kuya Caspian non.

"Eh anak ko nga yon!"

"Pano mo naging anak? 21 ka lang na putangina ka!" Sabi ni kuya Kal.

"I made him when I was 18 okay! Hindi ko alam. Chaka, kayo din naman may kasalanan! Remember nung nagpa-party kayo sa hotel? Sabi nyo pa nga debut ko mga gago! Nagising na lang ako kinabukasan may katabi na kong babae! Walang damit! Kanino galing yon ha?!"

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon