Darkness Three: Way to My World

47.6K 2K 508
                                    


Dedicated to Rv-Lovelyz-Apink


~•~•~•~•~•~


"I'm ready!" Sabi ko pagkababa ng hagdan dala dala ang isang bag ko, isa lang ang dala ko para hindi ako mahirapan sa byahe. At isa pa, aiguro naman sandali lang kami mananatili doon? Nag aaral parin kasi ako rito.

Kaagad nila akong napansin kaya lumapit na ako, napaka seryoso parin ng mga mukha nila na parang may pinagusapan silang something.

"Mag-iingat ka roon maliwanag ba?" Paalala ni manang
"Wait, hindi ka ba sasama?" Naguhguluhang tanong ko
"Hindi na ako makasasama pa. Ang mundong iyon ay hindi para sa isang tulad ko"
"What? Pero, sinong makakasama ko? I mean, ako lang ba talaga? Mag isa?"
"Hindi ka naman mag-iisa anak, kasama mo sila sa pag punta roon" nakangiting sabi nya habang nakatingin sa likod ko, pagtingin ko naman. Sila West at yung dalawang unknown person.

"Speaking of them. West, sino yang dalawa?"

"Mamaya ko na sila ipapakilala sa iyo, Summer. Kailangan na nating umalis, ngayon na"-West
"Oh, ba't nagmamadali ka?"
"Basta, mamaya ang explanation. Let's go"-west

Binuhat na nya yung bag na dala ko at hinila ako sa kamay.

"Oy sandali. Manang, babalik po ako kaagad, magiingat kayo dito, pakisabi na lang rin po kay Lay! Babye po!" Kumakaway na sabi ko. Ngumiti na lang rin sya at kumaway sa amin.

Hinila lang ako ni Weat hanggang makarating kami sa likod bahay. Ano namang ginagawa namin dito? Hindi ba dapat sa may gate kami lumabas?

"West, nandoon yung gate namin" pagturo ko sa harap ng bahay
"I know, just watch and learn" naka smirk na sabi nito

Dumukot sya sa bulsa nya at naglabas ng isang... capsule? Capsule na kalahating red at kalahating white, pinindot nya ang parteng may pula nito at inihagis yon sa lupa. Ilang saglit lang ay naglabas ito ng puting usok kaya napapikit ako at pag dilat ko... O.O

May isang malaking bagay na ang lumulutang sa harapan namin. Para syang kotse na oval shaped pero walang gulong, lumulutang din sya at may asul na ilaw sa ilalim. Bumukas yung pinto nito sa may gilid ng pababa, ibig kong sabihin yung pinto hindi patagilid ang bukas kundi paibaba at naging hagdan yung paakyat. Hirap i-explain!
[A/n: Nagets nyo ba? Dragon ball inspired yan, capsule ni Bulma:)]

"Tara" hinila ulit ni West yung kamay ko at pumasok na kami kasunod yung dalawa

Maganda rin dito sa loob, kulay asul din yung ilaw kaya medyo madilim pero nagkakakitaan naman kami. May dalawang mahabang upuan na magkaharapan at obviously ay dun kami umupo. Katabi ko si West at kaharap namin yung dalawa.
Inikot ko pa yung paningin ko sa loob nitong sasakyan at namangha ako kasi malaki pala sya, mukha lang maliit kapag titingnan mula sa labas.

"Enable transparency"-west

Transparency? Huh?

"Transparency enabled" said the monotone voice

"Ibig sabihin non Summer, hindi na nila tayo nakikita mula sa labas. Transparent na tayo" paliwanag ni West sa akin. Malamang ay nahalata nya na naguguluhan ako.

"Secure your location" sabi ulit nung monotone na boses

"Magic World, Sky Kingdom"-west
"Location secured. Magic World, Sky Kingdom. Please wear your seat belts, we are about to take off." paguulit nung boses, yung sasakyan yata yun na nagsasalita? Ang cool naman nito.

Nilagay ko na yung seat belt at naramdaman ko na unti unting umangat yung sasakyan at parang bumebwelo pa, then biglang mabilis na umandar paharap. Shit bumwelo nga, ang bilis!
Pero sandali lang nangyari yun at naging smooth na yung pag andar nya.

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon