Darkness Thirty Three: Plague

20.5K 897 362
                                    

[A/n: Yung mga naka italic, naririnig po yon sa isip lang nina Summer o ni Aeon.]

"Malapit na ba?"

"Hindi." Sagot ko

"Eh ngayon? Malapit na?"

"Hindi." Sagot naman ni Aeon

"Nasan na tayo? Malayo pa ba?"

"Oo." Sagot ko ulit

"Malapit na ba?"

"HINDI NGA!!" Sabay na sigaw namin ni Aeon

"Ahh. Hehe. Kalma lang."

Paanong kakalma? Juskong Dragon to, stress na stress na nga ako, dadagdag pa. Sa buong byahe, minu minuto nalang tinatanong nya kung malapit na ba o kung nasaan na kami. Grabe. Ngayon lang ako nakakilala ng talking dragon na sing daldal nya. Okay, ngayon nga lang pala ako nakakilala ng talking dragon. Tss.

"Uhh guys?"

"ANO?!"

Mas nakakainis pa kasi kami lang ni Aeon ang nakakarinig sa kanya, para syang nagsasalita sa isip namin. Liit pa naman ng boses nya.

"Kalma nga lang. Itatanong ko lang kung anong ipapangalan nyo sakin? Hihi."

Pangalan? Oo nga noh, wala pa syang pangalan. Kanina kasi pagkasabi samin nina Papa nang tungkol sa Ichor na yon, umalis na kami, tapis sumunod naman yong makulit na dragon. Hmmm. Tumingin ako sa labas ng flying carriage at nag isip, ano bang bagay na pangalan sa dragon?

"Lalaki ka ba?"-aeon

"Oo naman!"

"Oh edi Boy, Boy nalang pangalan mo."-aeon

"Boy? Ang pangit! Ang pangit! Ang pangit!"

"Ano bang gusto mo? Tukmol? Badong? Buknoy? Ang dami mo nang choices ah."-aeon

Ahahahahahaha. Siraulo talaga to. Parang aso lang ang pinapangalanan.

"Summeeeeeeeeeer~ Pangalanan mo ako~!"

"Sige ba! Hmmmmm. What do you think of Bruno? Hahahaah."
"Oo ang ganda, lalaking lalaki! Hahahaha"-aeon

"Waaaaahhhh! Yung totoo kasi. Huhu"

Umikot ikot sya ng lipad at lumanding ng patihaya sa sahig. Hahaha

"Wala kasi akong maisip."-aeon
"Oh hell."

"Hell? Sige sige! Magandang pangalan. Ako si Hell! Yieeehhhh~"

"Tangek! Impyerno ibig sabihin non, bakit naman hell Summer?"-aeon

Napakapit ako sa bintana at mas nilapit ang mukha ko don para mas makita ang labas.

"The hell! As in hell! Tingnan mo Aeon!" Hinila ko ang mukha ni Aeon at idinikit sa bintana ng makita nya ang sinasabi ko

"A-anong nangyari?"
"Don't ask me, magkasama tayo."

"Ano yan? Ano yan? Patingin~!"

Itinulak ko muna ang nagpupumilit sumingit na Dragon.

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon