Darkness Forty One: Darker

17K 767 250
                                    


"Night?!"

Magkahalong gulat, galit at kaunting pag aalala ang naramdaman ko ng makita syang lumabas mula sa dimension na kaagad ring nagsara. Marami syang tama sa buong katawan pero ang pinakamalala sa tingin ko ay ang hiwa sa tyan nya na hawak ng isang kamay nya.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa sobrang gulat, at pinanood nalang ang unti unting pagbagsak nya sa lupa. Ngunit bago pa man nya tuluyang damhin ang tigas nito ay may nakasalo na kaagad sa kanya ... Si Aeon.

[A/n: Sabi senyo si Night at Aeon nalang eh! Dama nyo ba yung spark sa kanila? Haha. Lol.]

"Anong tinitingin nyo jan? Tulungan natin sya!" Inilagay ni Aeon ang kaliwang kamay ni Night sa balikat nya at tinulungan itong tumayo

"Seryoso? Aeon si Night yan!" Galit na sabi ni West na nakaduro pa kay Night

"Oo si Night to, kaya nga tulungan natin!"-aeon
"Kalaban sya, bakit natin tutulungan? Nababaliw ka na ba?!" Maging ako ay hindi na rin maitago ang galit sa boses ko

He frustratedly looked at us bago mag umpisang maglakad palampas sa amin habang akay si Night na nawalan na ng tuluyan ng malay.

"Fine, ako nalang."-aeon

I gave him an unbelieving look pero tuloy lang sya sa lakad, at wala na kaming nagawa ni West kundi ang panoorin sya.

He still cares, he never stopped caring.

How can someone possibly do that? To still worry, to still care, despite the things you have done to him?

"How can you forget what he did just that? He fooled us." Madiing sabi ko

Panandalian syang huminto sa paglakad bago sumagot at magpatuloy muli.

"I never forget, I just accept." Was what he said

Acceptance, yeah right. Saan pa? Saan pa makakahanap ng kaibigang tulad nya? Ng kaibigang sing totoo nya?

— — — — —

Harrix Aeon's POV

"Help! Healers tulungan nyo sya!"

Dahan dahan ko sya inihiga sa isa sa mga kama dito sa infirmary bago balingan ang tatlong Healer sa gilid na nakatingin lang at hindi kumikilos.

"Ano pang hinihintay nyo? Gamutin nyo sya!"

"P-pero Prince Aeon, hindi ba't si Night yan?" Sagot ng isa
"Paano sya nakarating dito? At bakit natin sya tutulungan eh kalaban na sya ng Sky?"
"Dalhin natin sya sa Academy Heads o kaya sa Royal Knights ng palasyo."

Pinuno ako ng galit kaya binigyan ko sila ng pinaka masamang tingin na kaya ko.

"This is an order from the Prince of Sky, your Prince. You must follow."

Sa sinabi kong yon ay wala na silang nagawa kundi ang sumunod. I am the Prince, and when a say something, it must be followed.

Lumabas nalang ako at naupo sa bench na nasa labas lang ng infirmary, ayokong panuorin sila sa kung anong ginagawa nila kay Night dahil lalo akong kinakabahan.

Lagot ako nito, mahigpit na pinagbawalan ako ni Dad na gamitin ang trono sa iba para masunod ang gusto ko, pero anong magagawa ko? Buhay na ni Night ang nakasalalay.

"Kalaban sya, bakit natin tutulungan? Nababaliw ka na ba?!"

"How can you forget what he did just that? He fooled us."

Baka nga, baka nga nababaliw na ako para tulungan sya sa kabila ng mga nangyari. Galit ako, aaminin ko galit talaga ako. Pero hindi sa kanya kundi sa mga ginawa nya.

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon