Darkness Twenty Nine: South Lime

27.7K 1.1K 739
                                    


Summer Diarhney's POV

South Lime

"BRRRRRRRRRHH~ Ang lamig!"-lay
"Oo nga. Kaya pala pinadalhan tayo ng makapal na coat ni Papa"

Sobrang lamig talaga! Huhu I need a warm hug! Night~

De joke lang. Conservative kaya ako! Hahahaha Okay, parang hindi bagay sakin ang Maria Clara effect.

Pero seryoso, hindi ko inasahan ang ganitong klaseng lamig sa islang to. But the good part is, nag s-snow! Hihi Remember? Taga Pilipinas ako at tropical country yon, walang snow. Though nakapunta na ako sa US nung winter season nila.

"Alam nyo bang palaging Winter season dito?"-aeon
"Hindi"

Palaging winter? Grabe, nakakaya ng mga taga rito yon? Yung one month nga lang namin ni Lay sa Korea dati nangangatog na ako.

"Anong hindi ka jan?"-aeon
"Diba tinatanong mo kung alam namin na palaging winter season dito?" Sagot ko
"Tss! Joke ba yon?" Asar na tanong ni Aeon
"Natawa ka ba?"
"Hindi"-aeon
"O de hindi"

Nag make face muna si Aeon bago ako talikuran. Kalokohan nya, kapangit na nilalang! Buti pa si Night KO, angel be like.

"Ang Lime Island ay nahahati sa dalawa, ang South Lime na Winter lang ang season, at ang North Lime na palaging Summer. Sa pagkakaalam ko nga taga rito ang kambal na Nightwalker eh, yung members ng Special dati?"-west

Kambal na Nightwalker? Sila yata sina Frost at Sky. Bagay nga talaga dito yung si Frost, Ice creation ang magic nya.
So, hati pala ang Lime Island. Parang Korea lang, South at North.

"Yung nanay nung kambal na yon, taga rito sa South at yung tatay naman nila doon sa North" sabi ni Aeon habang panay ang linga sa paligid "Tara, kausapin natin yung namumuno rito" pag aaya nya

Habang naglalakad ay panay ang tingin ko sa paligid, punong puno ng snow ang mga gilid ng daan maging ang ibabaw ng mga bubong ng bahay. Puting puti ang paligid kaya hindi ko maiwasang mamangha, para lang itong yung bayan Arendel nung hindi pa makontrol ni Queen Elsa ang magic nya. Everything's coated with snow. Parang ang sarap tuloy magshoot ng music video dito, let it go~

May mangilan ngilan rin kaming nakikitang tao, halos lahat sila kundi super light blonde ang buhok ay white to gray naman ang kulay, at puro sila crystal blue eyes.

"Bakit parang iisa ang kulay ng buhok at mata nila? Sa Academy kasi assorted"
"Halos lahat kasi sila ay may kinalaman sa snow o ice creation ang magic"-west

Oo nga pala, karamihan ng magic user, narereflect sa kulay ng buhok at mata yung kapangyarihan. Kaya assorted ang kulay ng buhok at mata ng mga nagaaral sa Academy, kasi magkakaiba talaga kami ng kapangyarihan.
Pero … bakit kaya red ang sakin? Para sa fire ang red diba? Hmmmm. Baka namana ko lang kay Papa. Ayy! Si Papa rin pala, alchemist sya pero pula rin ang buhok. Bakit parang ang layo?

"Namamana lang kasi minsan sa kanuno nunuan yon kaya minsan malayo sa kulay ang kapangyarihan"-aeon

Napatingin ako sa kanya, paano nya nalaman ang iniisip ko? Mind reader ba to?

"Hindi ako mind reader, masyado ka lang obvious!" Sabi nya sabay irap

WTF?! Irap? Inirapan talaga ako? Bakla amphf!

"Magandang araw Elites!" Bati ng lalaki na lumabas mula sa isang … ano yon? Igloo? "Halika. Pasok kayo!" Masiglang aya nya sa amin

Kung anong ibinaba ng temperature dito ay sya namang taas ng energy nya, ayos ah. Ano kaya sya? Welcoming committee? Nang mapagmasdan ko sya ng mabuti ay napagtanto kong kamukha nya si Santa Clause, mas payat na version nga lang. White kasi ang buhok nya na mahaba, may balbas at bigote rin sya.

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon